Huwebes, Mayo 16, 2013

Naiinis na ako sa facebook! Puro magagandang mukha ang nakikita ko.. Luh! Ingget much :''(

Miyerkules, Mayo 15, 2013

KABALIWAN 101

HAHAHA! EPIC!

Kiss? :*

Ansabeh ng paa nya sa paa ko? HAHA. Dwende sakin eh. :P

Mga trying hard magpacute :)
HORROR! HAHA


HAHAHAHAHAHAHAHAHAHASSS! Laftrep dre! ^_^

Hanglandeh.

HAHAHA! Natatawa lang talaga ako. Biruin mo? Tagal na nating naglalandian. Diko alam kung pano kita nakilala o pano tayo naging close. Basta ang natatandaan ko lang, antagal na nating naglalandian. HAHAHA!
Kung titignan natin ung chatbox at mag backread tayo, meron na tayong 16,000 na palitan ng mga mensahe. HAHA. Diko na nga mapagtyagaan na balikan kung san tayo nagsimula. Masyado ng mahaba e.

Pero gusto ko lang magthank you sayo kasi HAHA! naiiyak ako. Charot. Kasi naging mabuti ka sa akin kahit na lagi kitang iniiwan. lagi akong nakikipagjowa sa iba at nakakalimutan ko na...... HAHA!

Sabi mo nga kase malandi ako. Diba? HAHAHA


Masaya lang ako kase AHAHA you're helping me a lot. Ang hirap i express sa tagalog baka gamin dim maawatan haha. Joks.

Basta yun na yun!

Kaya lang, ang tanong ko.. MAY PATUTUNGUHAN BA TONG LANDIAN NATEN??

HAHA!

Ahh. Basta. Meron man o wala, masaya ako kasi pinapasaya mo ako.

HAHA.

Oy! Sana naman ang pagkakaibigan naten hindi lang dito sa facebook no?

Atsaka isa pa, wag mo nga masyadong dina-down yang sarili mo.
Im here to pull you up! HAHA

Sabi nga ni matabangutak, "walang turn off sa taong nagmamahal"

Lahat naman tayo may kapintasan e.

Pero for me, you're 3/4 perfect HAHAHA


These pictures made my night! HAHAHA! Ngayon ka lang ATA kasi nagkalakas ng loob na magpakita sa picture. kala ko takot ka sa camera e. HAHA! :D Anyways and anyhows, KAWAIIII! :''>

Time is gold e.

Aamin ka ng gusto mo siya. Naunahan ka na pala ng iba.



Yan hirap sa atin minsan e. Sa sobrang takot natin na ipaalam sa kanila ang nararamdaman natin, yan. Mas lalo lang tayong nasasaktan sa kaduwagan nating umamin. Gusto mo naman pala, kaso nagpapadala ka sa takot mo. Eto lang masasabi ko. GUNGGUNAM! HAHAHA


wala kwenta.

relate!

Wala akong karapatan humingi ng oras sayo eh. 

Kaya hinihintay ko na lang na maalala o mapansin mo ako.


Ang masakit eh tapos na ang relasyon niyo pero mahal mo pa rin.

ang cute ng gif. hahaha :3

Martes, Mayo 14, 2013

Char!

'Yung lalaking hindi matutulog hangga't hindi ka nag-a-ILOVEYOUTOO sa ILOVEYOU nya.

Love Cycle.

it starts off texting all the time. sending each other smiley faces, making each other smile. flirting, staying up late at night just having fun. then things get more serious. you start getting more personal. then you meet, you kiss him, you fall for him. then he asks you out. you date. doesn’t matter for how long, but you fall. fall hard enough you don’t know what’s happening. and when you wake up, you’re left with reality. he breaks up with you in a matter of not even a month, or maybe more. but in the end, it’s all the same. you always end up with a broken heart. and you keep going back to him because you love him. you’ll take his crap, you don’t care, because you just want him.

Ano tohhhh? HAHAHA

Natawa talaga ako dito. HAHA. Diko alam kung di ko napansin o nagmamanhid-manhiran lang ako o bungol lang talaga ako e. HAHA! Di ko alam kung kelan to. Nagulat lang ako nung klinick ko ung pic eh yan ang nagpakita. Gulat ko lang. Tapos, who would have thought na pinost nya pa to sa page nya? HAHA. With caption, Yung Sinabihan mo xa na mahal mo xa tapos ... ang reply nya lang .... HAHA. Anyways, salamat sa effort magprintscreen. :)) Iloveyoutoo :**

* take note ung oras ah. Mga MAMAW lang HAHA

AWKWARD!

HAHA! Alam mo yun? feeling mo tuloy nakikipagplastikan ka na lang with that certain person. Kung noon, magkita man kayo kung saan eh nagpapansinan at nagchichikahan kayo, ngayon, parang nakakahiya pang mag-Hi man lang. HAHA! badtrip eh. feel ko ang plastik ko kahapon! HAHAHA.
Bestfriends turned to Enemies ang peg? :P

o__O

your pupils dilate when you see the person you are attracted to. Because the nervous system controls the muscles of the irises, the response of the nervous system to different stimuli results in involuntary pupil dilation. Another commonly cited reason the pupils dilate is in response to excitement or sexual arousal. When a person sees something or someone he finds very attractive, his eyes may dilate.

Evry girl has that one boy they will never get over.


maybe i didn’t need him as much as i thought i did.


When it was over, I cried like the rain, just so the world could feel my pain. I really did feel lost without him. But now that he is gone, I’m not gonna look back. 

And when I realized I were probably better off without him was the best ting I ever did. He really was my everything. Maybe he knows he’s lost his biggest fan. I remember all the time I wished I never met him. Because sometimes I still think it. So now I’m still left searching for that one boy to prove me wrong and show myself They’re not all the same. Maybe I still think about him. But what difference would it make?? Even though I miss those days when he would just phone me for no reason, send me those texts that I found so hard to delete. Put a smile on my face when no one else could. And even if it was him who made me cry, he seemed to be the only one who could make me stop. 

I still think about what went so wrong . Even though its too late. When he said forever I was stupid enough to believe him. So I’m left thinking when he said he loved me. Did he ever really mean it?? Thats when I remember nothing lasts forever. You remember how it all started even though you try to forget. It’s so hard when I see him. Sometimes I have to remind myself we’re not together anymore. 

Why does someting perfect always have to come to an end? I was just another mistake. its a shame I never learn though. maybe next time I will get my fairytale ending. Just not this time. Just remember everything happens for a reason. There’s so many things I could say. But i know you’d just walk away. I miss your smile. but I miss mine the most. No matter how much I didn’t believe it, I guess I know now we weren’t meant to be. 

“Giving up doesn’t always mean you’re weak. Sometimes it means you’re strong enough to let go.”

Stuck between weather. I really want him back, or just want the feeling of being loved back?So I’m left wondering if I’ll ever get the second chance. Leacing you would never ahve even crossed my mind. Not even once. Guess you can’t say the same. You promised me so many things, but you forgot one thing. To keep them! 

So many people ask what I saw in you. but to be honest, i don’t even know myself. but whatever it is, I still see it. And so here’s the problem, i care too much and you couldn’t careless. I hope one day you look back on this day you realize what you had, But by then, I doubt I’ll still be waiting. So here’s to another dead end. 

If only you still felt the same. 

50 things most guys dont know about girls..


1. Girls hate it when guys say perverted things.

2. Girls like to be told that they’re beautiful, rather than hot, pretty, cute, or sexy. It just gives more meaning.


3. Girls love to feel special, even though they might not show it.

4. Girls talk about EVERYTHING with their girlfriends. So that means, you’re possibly 90% of their conversation. And believe me, trash talking takes up most of it, unless you’re a Greek god, which you’re not.

5. When girls are online, they want the guy to instant message them first, and they literally burn up inside when they’re not messaged. Of course, when they are messaged, they play it all cool and go “oh, hey” as if they just discovered your message.

6. Girls have a thing for guys who dress GQ.

7. Girls love it when guys are over 6 feet.

8. Girls find it awfully attractive when guys wear just a white t-shirt and jeans and yet they happen to look awesome in it.

9. Remember. Sense of humor. GIRLS LOVE GUYS WHO CAN MAKE THEM LAUGH.

10. Girls hate guys with bad hygiene. So put on that deodorant and clip those nails!


11. Girls love guys who know how to dance.

12. Girls love it when a guy pulls them close by the waist.

13. Girls go crazy when a guy smells good.


14. Girls hate cocky guys.

15. Usually, when a girl is sarcastically mean to you, it means they’re attracted to you, but are afraid that they’ll be showing too much.

16. A kiss on the hand with the right timing can be a REAL TURN-ON.


17. Girls have a thing for guys who sport blazers with a destroyed tee underneath.

18. Girls have a thing for guys who have messy sex hair.

19. Some girls can think about their crushes for 18+ hours straight. No exaggeration.


20. When a guy says something really sentimental, girls will remember it forever.

21. The smallest gestures, the smallest stares, and the smallest statements could make a girl’s year. No joke.


22. Girls get embarassed easily, even if guys don’t know what the hell just happened.

23. Girls daydream about their crushes. Like getting married, going on dates, kissing, etc. They just don’t show it.


24. Girls HATE players.

25. Guys who can sing are a major turn on.

26. Guitarists are sexy.

27. When a girl is upset and wants you to listen, she wants you to listen. Don’t give her advice unless she asks for it.

28. When a girl is crying, she feels a lot safer if you pull her close and tell her that everything is going to be alright.

29. Girls love it when guys say their name.


30. Girls don’t like short tempered guys.

31. Sometimes girls just wish that guys would notice when they get a new haircut or if they’re wearing eyeliner.

32. When a girl calls you her loser or her dork, it usually means she’s attracted to you.

33. Girls find it a lot more romantic if you just fall asleep with them holding them with your arms rather than having a night of hot kinky sex.

34. Girls will never say I love you unless you say it first. But that doesn’t mean she doesn’t want to scream it from the top of her lungs.


35. Girls love confidence.

36. Girls don’t like rock-hard guys. They like to know that guys can have a sensitive side too.

37. There comes a time when girls have needs too. Enough said.

38. A girl will cry over you a lot more than you think.


39. A girl’s wounds can last awhile. And when I say awhile, I mean awhile.

40. Girls hate guys who smell bad.

41. When a girl cooks for you, you know you mean a lot to her.

42. Girls don’t like it when you think other women are hot and say it so.


43. Eyeliner is a girl’s essential product. Don’t ever try to take it away from her.

44. Girls hate it, absolutely HATE IT when guys don’t keep their promises. It throws them over the top.


45. Every girl fantasizes about her wedding. Her dress, her flowers, her shoes, her hair. More than you think.
46. Girls hate it when other girls flirt. Yet they flirt themselves too. Ah, the beauty of irony.

47. Girls will save instant message conversations when they like a guy.


48. A phone call, a text message, or a single Hershey’s kiss will mean A LOT MORE than a bouquet of flowers and a box of chocolates on her birthday.

49. Every girl think she’s pretty in one way or another. They just won’t admit it.


50. Girls are VERY SELF-CONSCIOUS when it comes to their looks. No makeup is a very sensitive topic to them. 

(Source: wishartsolove)

Lunes, Mayo 13, 2013

Yak~

 The nights I don’t dream about you, are the nights I stay up thinking of you.




Mehehe! Ang corny! Makatulog na nga lang. 1:51 na ngayon dati 12:51 lang haha. Konek? Wateber!  

Hmp..


 Blog ko to. Hindi sayo. Hindi sa kanya. Kaya wag mong i-compare. Magkakaiba tayo ng pananaw.

Happiness.

I'm so enjoying designing my blog! Haha! Nagreready na ata akong mamatay? Hmm. Masaya lang ako sa mga nababasa ko. Grabe ako eh. Lahat nasusulat ko, basta tungkol sa pag-ibig. 2 years na ko sa blogspot. And I'm so thankful kasi nai-vo-voice out ko lahat ng emotions ko! Yeah! Naging diary ko na 'to kaya naman yun! Saya ko? :*

Oh my! Just saw it in my drafts. HAHA! tagal na neto ee. Shop days!



madami kami kanina dito sa computer shop. may nagDoDoTA, Tetris, ChatChat, Plants vs. Zombies. At ung iba tambay lang.


SCENE I.

madami din namang bakanteng unit. tapos biglang pumasok si KRAS! grabe di pa rin  kumukupas ang kabanguhan nya. haha :**



AKO: walang-pakialam kuno epek
KRAS: Bhe, dito nga sa number 1, open time.

* ung server kinauupuan ko at numer 1 magkatabi*

AKO: KDot.
KRAS: dot dot dot. haha :D
AKO: hmpppp :3

after 10 minutes siguro nagdodota na sila ng mga kaibigan nyang kaibigan ko din at ako naman nag i-stick run..

tapos....

KRAS: Shai.....
AKO: hmm?
KRAS:Kitam man dagiyay matak (Tingin ka nga sa mga mata ko....)
AKO: *tumingin naman sabay ngiting aso.*
KRAS: Nagpintas ka metten ( ang ganda mo naman na :*)
AKO: hmppp..(pero di matnggal tanggal ung ngiti ko.)
KRAS: shaii..
AKO: oh anya manen aya??
KRAS: kitan nak manen ah inti mga matak. (tignan mo ulit ako sa mga mata ko.
AKO: hmmm madik. (ayaw :P)

may tricycle na dumating.

( ♫ i think im inlove i think im inlove with you, every single day every single night, blah blah blah blah ♫ )

KRAS: Inlove ak manen kenni Sai..
AKO: (kinikilig)
KRAS: ( humawak sa bewang ko)
AKO: halla gamin.. ( halla kase)
KRAS: shaii...
AKO: hmpp. anya aya gamin? ( hmp. ano ba kasi?)
KRAS: iloveyoubhe..
Junel, Diego, Ikong, Ron : bagay da ayeee. wew wew wew!!!

AKO: nakangiti lang. :)) haha..

KRAS: outakun bhe ( out nako bhe. )
AKO: kdot.
KRAS: kiss ko ngay bhe?
AKO: tarupam .. ingka kitdin. bye! ( mukha mo! alis ka na! bye!)
KRAS: ( pinisil pisngi ko bago umalis. )
AKO: hmmp.. ( pero deep inside kinikilig haha xDD )


SCENE II

AKO: nag i stick run parin.
Christopher& Aaron : Hi miss.
AKO : ( smile lang :)
SILANG 2 : puminpintas ka met. ( gumaganda ka naman )
AKO: dati :P
CHRISTOPHER:( kinurot gilid ng tyan ko.)
AKO: annay! >.< (Aray!)
Aaron: ( minasahe likod ko)
AKO: halla gamin.( halla kase) tindig balahibo na ko ))
SIlang dalawa; haha. alis na nga tayo.. sungit naman ni Miss Ganda.
AKO:ampf >.<

SCENE III

AKO: still, nagi-stick run haha.
DANDAN: shy palaro nga sa acct.mo. isa lang.
AKO: amppf >.<
DANDAN:( biglang nilaro laro ko ung dalawang kamay nya nakalagay sa balikat ko.)
BON: nya aytan Dan?
DAN: hmpp taman langnen. Bye Sai.
AKO: Kbye :)


SCENE IV

mga lalaki nagdodota.. ewan ko may names names ata kasi dun haha.. diko kasi alam magDota

Bon:sino jay Kdot_Shai? ( sino ung Kdot_shai)
Junel: Na imba. summali ni Sai. ( imba! sumali si Sai.)
KRAS: tanga! syak dayta! ( ako yan! tanga! )
SILANG LAHAT except si KRAS: TALAGA MET!!! ( talaga naman! )

AKO: *kilig hanggang ngayon haha *



* wala pa ring tatalo sa kasweetan ng mga lalaki sa Taberna :) 




The End! Thanks for reading! KDOT :PP

Linggo, Mayo 12, 2013

Hindi ko alam.

Tama ba ang ginagawa ko? Nakakalito lang kasi. Nung nakaraang araw, nakatext ko si Reindy. Sabi nya, kaya daw nya ako tinext kasi napanaginipan nya daw ako. Sinabi nya na maganda na daw ako. Actually, mula nung naghiwalay kami, lagi na nya akong pinupuri. Kabaliwan ba 'to? Halos apat na buwan na mula nang tapusin ko ang aming relasyon pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakapag-move-on.

Ganun ba namin kamahal ang isa't-isa? HAHA.. Siguro nga...

Sabi nya, gusto nya daw akong balikan. Ilang beses nya 'tong sinasabi subalit ayoko muna ang lagi kong isinasagot. Tapos, sya na mismo nagsabi na, MAGHINTAY KAMI. 

Hindi ko alam kung hanggang kailan. Pero ako, willing akong maghintay. Ewan ko lang sa kanya. Magtitiwala na lang ako sa sinabi nya.

:-)


Miyerkules, Mayo 1, 2013

Dear Nanay at Tatay,

Maaari nga pong nababaliw na 'ko dahil sinusulatan ko kayo. Siguro kung nabubuhay pa kayo, hindi ako malungkot ngayon. Kumusta na kayo? Miss na miss ko na kayong talaga. Habang isinusulat ko 'to ay sumasabay ang luha ko sa pagpatak mula sa'king mga mata. Parang ilog, malayang nakakaagos sapagkat mag-isa ako sa bahay na nilipatan namin ngayon. Tahimik ang kapaligiran. Walang ingay na maririnig. 


Mula nang mawala kayo sa'kin, naging kakaiba na ang buhay ko.. Para akong kawawa. Lagi akong naiinggit sa aking mga kaibigan dahil hanggang sa mga sandaling 'to, kasama pa rin nila ang kanilang mga magulang. Minsan, naiisip ko, ang daya daya nyo! Iniwanan nyo kami agad agad. Ni hindi ko man lang naenjoy na makasama kayo. Ni hindi nyo man lang ako nakitang nagdalaga. Ni hindi nyo man lang nakilala ang mga naging nobyo ko.


Marahil, nagtataka kayo sa sinabi ko. Opo, mula nung wala na kayo, nagkaroon na 'ko ng mga syota. Sa murang edad 'kong 'to, sasabihin nyo sigurong wala pa akong alam sa pag-ibig na 'yan. Lagi nga po akong tinitukso ng aking mga kapatid sa kalandian ko. Totoo po. malandi na ako. Hindi ko na alam ang aking mga pinaggagagawa. Pero sana maunawaan nyo na kaya ko lang naman po yun nagagawa kasi naghahanap lang naman po ako ng taong magmamahal sa akin habang wala kayo. Pero gaya rin ninyo, iniiwan din nila ako.


Nay, Tay, ang hirap po ng walang magulang. Ni wala na po akong nasusumbungan ng mga problema ko. Minsan, wala akong kapera-pera, wala akong mahihingian. Minsan, nagkakasagutan kami ng aking mga kapatid, wala akong kakampi. Iniiiyak ko na lang lahat. Kung bakit ba kasi hinayaan ko kayong mawala na lang ng basta-basta. Nasa huli nga po talaga ang pagsisisi.


Hindi ko po alam kung anong buhay ang meron na ako sa ngayon. Hindi ko po alam kung may patutunguhan din ba ako. Kasi nawawalan na ng gana ang aking mga kapatid na papag-aralin ako dahil nga po sa ugali ko. Naging bastos na ako. Ang aking bibig na laging kinagagalitan ni tatay, hanggang ngayon, dala ko pa rin. Naging palamura na rin po ako. Naimpluwensyahan na ako ng aking mga kaibigan.


Twing papasok ako ng skwela, may lungkot sa aking puso. Iniisip ko kasi, bakit pa 'ko nag-aaral kung mamamatay din naman ako. Tampulan nga ako ng tukso minsan kasi pag nagtatanong ang aking mga instructor tungkol sa aking buhay, hindi ko mapigilang umiyak na lang at humagulhol na parang batang inagawan ng kanyang kendi. Saka ako tatawa nalang din. Napagkakamalan tuloy nila akong baliw.


Syanga pala, kumukuha ako ng BEE ngayon. Hindi ko alam kung sinong nagtulak sa 'kin para kunin ang kursong yan lalo pa't SPED ang major ko. Wala naman talaga ako gustong kurso. Ni hindi ko nga po alam kung anong pangarap nyo sa akin. Sabagay, pano ko nga ba malalaman eh hindi ko nga naman po kayo nakasama sa aking pagtanda.


Nay, Tay, kailan ba kayo babalik? Kailan ko ulit kayo makakasama?  Nangungulila na po talaga ako. Sa twing nanghihina ako, gusto ko lang naman ng yakap ng isang ina. Sa twing may umaaway sa akin gusto ko lang naman na maipagtanggol ako ng isang ama. 


Andami ko pong pangarap para sa inyo. Pero sa ngayon, paano ako magkakalakas ng loob tuparin nag mga pangarap na iyon  kung wala naman kayo? Ni hindi ko man lang nga kayo nakitang pumuti ang buhok. Ang daya nyo!! Ang daya daya nyo!


Wala na akong pangarap sa buhay ko sa totoo lang. Kasi para sa akin, kahit makapagtapos pa ako, hindi nyo rin naman malalaman. Kahit pa maging sikat ako, wala na ring kwenta, dahil wala na kayo.  


Sa totoo lang ako ang pinakakawawa sa aming magkakapatid. Alam nyo kung bakit? Namatay ka nanay na hindi mo man lang nalaman na nireregla na ako. Ni hindi mo man lang ako napayuhan tungkol sa pagnonobyo. Ni hindi mo man lang ako nakitang grumadweyt ng high school. At kailanman hindi ko naranasan na sabitan ako ng medalya ng aking magulang kahit isa sa inyo pag-akyat ko sa entablado para kunin ang aking award. Samantalang ang aking mga kapatid, naranasan nila. 


Kung alam nyo lang kung anong nararamdaman ko sa mga oras na 'to. 


Nay, Tay, kung pwede lang sanang ulitin ang pagkakataon. Gagawin ko ang lahat para hindi na kayo magkasakit at mawala sa amin. Kung pwede lang sana, magiging mabuti na akong anak sa inyo. Hindi na ako magiging tamad at bastos. Hindi ko na kayo papagurin. Kung pwede lang sana.. Kaso, malabo.


Kailangan ko na lang sigurong tanggapin ang katotohan na, hindi na kayo babalik sa mundong 'to. At siguro, kung nabubuhay kayo, magiging masaya pa rin kayo para sa akin, dahil naniniwala po ako na hindi naman ako ganito kung meron kayo sa tabi ko. Pasenya na po kayo kung hindi ako naging mabuting anak sa inyo. Pasensya na hindi ko manlang kayo naasikaso. 


Pasenya na Nay kung wala akong naitulong sa sakit mong kanser non. Pasensya ka na kung dadalawang beses lang kita sinabihan ng mahal kita. Pasenya na kung saka lang kita hinalikan nung malapit nang mapatid ang hininga mo. Pasenya ka na Mang kung wala ako nung mga panahong nagpapaalam ka na. Kasi nagbantay ako ng bahay kasama ng aking mga pamangkin. Pasensya ka na sa lahat.


Tay, patawarin mo sana ako dahil ikaw ung napagbuntungan ko lahat ng hinanakit ko. Kung naging bastos ako sa mga pagsagot sayo. Ayoko lang naman kasi na magkaroon ka ng ibang asawa. Patawarin mo ko tay kung hindi ako payag sa pakikipagrelasyon mo sa iba. Patawad tay kung naging salbahe ako sayo. Pasensya na kasi mas pinili ko pang lumayo kaysa makasama ka. Kung alam ko lang na ganun ka mamamatay, hindi na sana ako lumayo sa iyo. Hindi sana ang sarili ko ang inisip ko ng mga panahong yun. Patawad tay. Ni hindi ko man lang kayo nasabihan na mahal na mahal ko kayo. 


Kung pwede nga lang sana talagang maibalik ang kahapon, gagawin ko lahat para makasama kayong muli. Sa ngayon, maghihintay na lang ako sa tamang panahon.. Dahil naniniwala ako na muli ko kayong makakasama. At sa panahong yun, wala na akong dapat pang ikatakot o ippangamba man. Dahil hindi na kayong muling magkakasakit at mamamatay. Hindi nyo na mararanasan maghirap at lumuha. Liligaya na tayong lahat. Sa Bayang Banal, muli tayong magkikita.



                                                                                                        Nagmamahal,

                                                                                                             Shai
Ang ayoko sa lahat ay 'yung pinakikialaman ako, 'yung pinapansin lahat ng gawa ko. Alam mo sa totoo lang, namulat ako sa mundo ng pagkukumpara. Mula pa non, lagi akong ikinukumpara sa mga kapatid ko lalo na sa sinundan ko. halos di ako nagkaron ng sarili kong identidad. Nakilala ako sa anino ng kapatid ko.

Minsan nga napapaisip ako, bakit ba kasi naging matalino ang kapatid ko? O kaya naman, bakit ba kasi naging bobo ako?

Aaminin ko, hindi naman ako ganung kagalingan. pero nakakapagsulat naman din ako ng english at nakakapagbasa din naman ng maayos at mainam. Ang aking ipinagtataka lamang eh yun bang pati pagbigkas ko ng mga salita, pupunain ako.

Naiintindihan ko naman ang mga binabasa ko. Kahit gaano kalalim, dahil meron naman akong common sense. Common sense na wala sya.

Haha. Minsan nga natatawa na lang ako kasi alam ko sa sarili ko na kung ano man ako ngayon ay bunga ng pagtyatyaga kong magkaron ng sarili kong pangalan.

At eto lang ang sasabihin ko, kailanman, hindi ko pinangarap na sana maging ako sya.

Maganda na, matalino pa. Yan ang ate ko.

Pero sa totoo lang, kung kilala nyo sya, maaawa kayo.

Sya yung tipong iilan ang kaibigan, sa pagkakaalam ko, wala nga ata syang bestfriend.
Sya yung babaeng hindi man lang lumabas ng bahay para bumili ng kahit ano sa store.
Sya yung babaeng umaasa sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Sya ay isang taong magaling nga pero hindi marunong.
marami ngang alam subalit hindi naman nya naiaaplika ang kanyang nalalaman.
Madaming nakikita pero bulag sa katotohan na mas importanteng maging marunong kesa sa maalam.

Kawawa sya.
Minsan, nakakainis yung mga taong feeling magaling. Yun bang tipong ang alam nila sa sarili nila ay alam na nila ang lahat. Yun bang isang kamali mo lang, ay andami mo ng maririnig sa kanilang panghuhusga.Sila yung mga taong nakakapagpababa ng tiwala sa sarili. Sila yung mga taong ayokong makasama.

Sabihin na nating OO. Magaling sila. OO matalino sila. Mahusay manalita ng dayuhang lenggwahe. madaming alam sa batas, pulitiko at ekonomiya. Sabihin na nating OO halos lahat ay alam nila.

Pero kung titignan, kung sino pang mga nagsasabi at nag-aakalang matalino sila, sila pa yung mga totoong walang alam. Ironic no? Pero yun ang totoo.

Wala silang alam sa nararamdaman ng ibang taong nakapaligid sa kanila. Wala silang pakialam kung nakakasakit na sila ng damdamin ng iba. para sa kanila, sarili lang nila ang mahalaga. Sila lang ang batas.

Pagdating sa ibang bagay, wala na silang alam. nagiging mangmang sila. 

Wala silang kwenta.