Minsan nga napapaisip ako, bakit ba kasi naging matalino ang kapatid ko? O kaya naman, bakit ba kasi naging bobo ako?
Aaminin ko, hindi naman ako ganung kagalingan. pero nakakapagsulat naman din ako ng english at nakakapagbasa din naman ng maayos at mainam. Ang aking ipinagtataka lamang eh yun bang pati pagbigkas ko ng mga salita, pupunain ako.
Naiintindihan ko naman ang mga binabasa ko. Kahit gaano kalalim, dahil meron naman akong common sense. Common sense na wala sya.
Haha. Minsan nga natatawa na lang ako kasi alam ko sa sarili ko na kung ano man ako ngayon ay bunga ng pagtyatyaga kong magkaron ng sarili kong pangalan.
At eto lang ang sasabihin ko, kailanman, hindi ko pinangarap na sana maging ako sya.
Maganda na, matalino pa. Yan ang ate ko.
Pero sa totoo lang, kung kilala nyo sya, maaawa kayo.
Sya yung tipong iilan ang kaibigan, sa pagkakaalam ko, wala nga ata syang bestfriend.
Sya yung babaeng hindi man lang lumabas ng bahay para bumili ng kahit ano sa store.
Sya yung babaeng umaasa sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Sya ay isang taong magaling nga pero hindi marunong.
marami ngang alam subalit hindi naman nya naiaaplika ang kanyang nalalaman.
Madaming nakikita pero bulag sa katotohan na mas importanteng maging marunong kesa sa maalam.
Kawawa sya.