Sabado, Pebrero 8, 2014

Hindi ko naman ginustong mangyari sa kin 'to. January25, namasyal kami sa San Fabian, Pangasinan. Syempre natulog lang ako for 2 hours sa kubo tas nung nagising ako sabe ko sa mga kapatid ko "AMBORING!" Sakto nakita ko ung mga cute kong pinsan at nakakita ako ng bike wit sidecar yun! WALANG PRENO! HAHA! Nagbike kami papuntang store e doon pa man din ay bundok so pataas pababa. Diko naman alam na diko makokontrol ee. Yun! NATUMBA lang naman kami. At ako ung napuruhan. Akala ko simpleng pilay lang diko alam nabalian na pala ako ng buto. Lentek!

Sabe ng doktor, within 1month daw at hindi pa to bumalik sa dati, ooperahan daw. :<
Bukod sa wala akong pera, Jusko! Wala po akong lakas magpaopera. AYOKO!
Kaya nga tinaningan ko na buhay ko ee. NAGPAPAKASAYA NA LANG AKO! Kahit HINDI NAMAN TALAGA! :'(
Eto na po ako ngayon. Isang baldadong inutil. Walang nagagawa sa buhay. Pahirap sa mga kapatid. Istorbo. Sakit sa ulo. WALANG KWENTA!