Sabado, Pebrero 8, 2014

HI EX-CRUSH!

Hi. Gaya nga ng sabe ko, may sulat ako para sa'yo. Oyan! Partida. Left hand pa gamit ko :<
HAHA! Kumusta naman? OKAY ka na? Kasi ako OKAY NA OKAY! :)


Hindi ko alam kung may sense 'tong sasabihin ko. Sa loob ng walong buwan na pagpapalitan naten ng mga text messages, at sa apat na bwan na pagiging close naten, aaminin kong madami akong natutunan.

Maraming salamat sa lahat ng aral na hindi mo akalaing maituturo mo saken at hindi ko akalaing matututunan ko sayo.

Una nalaman kong madali lang mahulog sa taong palagi kang tinetext at tinatawagan.
Palaging nangungulit at nagpapapansin. :P

Ikalawa, nalaman kong mahirap palang makipagsabayan sa iba kung may itsura ang lalaki.
Syempre pipiliin mo ung MAS diba?

Ikatlo, nalaman ko na dapat pala hindi ako tumatambay sa kalsada. Para pag dumaan ung crush ko ay hindi ako ang pagtritripan at yayayain magdota eh sa totoo lang hindi naman talaga :P

Ikaapat, nalaman ko na dapat lagi akong may payong.. Umulan man o umaraw in case na magyaya ung crush ko ng may pupuntahan :P

Ikalima, nalaman ko na mas marami akong nakukuha sa exam pag sabay kaming nagrereview ng crush ko.
At dapat iwasan ang magkatampuhan sa araw o before the exams para iwas nganga at iwas eyebags/pimples.

Ikaanim, nalaman ko na dapat pala, hindi masyadong naglalagay ng make-up dahil mas gusto ng mga lalaki ang simpleng beauty. :)

Ikapito, nalaman ko na masarap pala talagang gumala kung biglaan at halos dimo alam kung san pupunta. DAGDAG THRILL! :D

Ikawalo, nalaman ko na okay lang pala makipagkaibigan sa mga magulang ng crush mo including na ren ung mga partner ng mga kapatid nya.

Ikasiyam, nalaman ko na dapat pala laging sinasagot ang tawag ni crush para di ka nya pagdudahan.

Ikasampo. Nalaman ko na dapat consistent dapat ang feelings nyo sa isa't-isa. Hindi ung changing. Nakakasira un ng samahan and worst, ng TIWALA.

Ikalabinisa, nalaman ko na mas maganda pa rin ang may closure sa isang relasyon upang sa gayon wala ng umaasa at nasasaktan,

Ikalabindalawa, nalaman ko na dapat patawarin mo sya kahit na gano kabigat o kasakit ung nagawa nyang kasalanan at maniwala na lang sa karma.

Ikalabintalo. ALAMIN ANG PAGKAKAIBA NG LIKE, INLOVE AT LOVE.

Ikalabinapat. WAG GAGAWA NG PANGAKO KUNG MASAYA KA AT WAG KANG GAGAWA NG DESISYON KUNG GALIT KA.

IKALABINLIMA AT HULI... NALAMAN KO NA DAPAT PALA HINDI MUNA AKO NAGPAPAPASOK NG IBANG LALAKI SA BUHAY KO HANGGAT HINDI PA KO NAKAKALAYA SA NAKARAAN KO. NALAMAN KO NA IBA TALAGA PAG KILALA MO UNG ISANG TAO. NALAMAN KO NA KAHIT GAANO NYA PA SABIHING MAHAL KA NYA KUNG DI NYA NAMAN TANGGAP ANG LAHAT NG KAMALIAN MO, HINDI KA NYA LUBOS NA MAMAHALIN. NALAMAN KO RIN NA KAHIT GAANO NYA SABIHING MAHAL KA NYA AT HINDI KA NYA IIWAN PAG MAY DUMATING NAMAN SA BUHAY NYA NA MAS MAGANDA AT MAS IDEAL PARA SA KANYA, SA HULI IIWAN KA RIN YA DAHIL NGA HINDI KA NAMAN TALAGA NYA GUSTO AT NAPILITAN LANG SYANG PAKISAMAHAN KA!


AAMININ KONG MASAMA PA RIN UNG LOOB KO SA GINAWA MONG PAGTATAKSIL. CHAROT. LALO NA NUNG NAKITA KONG MAGKASAMA KAYO NUNG ARAW NA YUN. WALA KA MAN LANG KASING PASABI.BIGLA KA NA LANG NANG-IWAN.

PERO AAMININ KO RIN NA ISANG ARAW LANG AKONG UMIYAK NANG NAWALA KA. MABILIS KONG TINANGGAP ANG PAGKAWALA MO AT NAREALIZE KO NA SIGURO NGA HINDI GANUN ANG TRUE LOVE.

SALAMAT PA RIN.HA? KASI NAPASAYA MO NAMAN DIN AKO.



NGAPALA. GUSTO KONG IPAKITA SAYO 'TONG ONLINE DIARY KO MULA NOON HANGGANG NGAYON PARA NAMAN MAKILALA MO RIN AKO NG KONTE KAHIT PAPANO. PATAWAD SA LAHAT. AT MARAMING SALAMAT! :)

                                                                                                                       -SHAI <3