Pasenya na. Wala pa kasi akong lakas ng loob na magpakita sayo. Lalo na sa mga panahong ni hindi man lang ako nag-aayos. Alam ko, wala ka namang pakialam. Kahit makita mo pa ako sa daan, kahit na dumaan daan ako sa bahay nyo, kahit pa anong gawin ko.. Dahil bahagi na lang ako ng iyong nakaraan. Masakit man pero kelangan kong tanggapin ang katotohanan..
Sino nga ba ako ngayon sa'yo? Ngayon pang nalaman ko na beauty queen na naman ang syota mo. Walang wala ako dun. 3 months na pala kayo. Wow. Akala ko kasi naghihintayan tayo e.
Pero, wala eh. Siguro ganun talaga.
Aaminin ko, hanggang sa kaoras-orasang ito, IKAW pa rin.
Diko alam kung kelan ka mapapalitan. O kung kelan ba ako magmamahal uli.
Pwede naman kung gugustuhin ko.
Gustuhin ko man, at the end of the day, sarili ko lang din lolokohin ko.
Dahil alam ko naman na ikaw at ikaw at mananatiling ikaw. :'C