Kanina, sa pinaka-di-inaasahang panahon, muling nagkrus ang aming landas ng aking unang pag-ibig. Nasa palengke ako, kasama ng aking panganay na kapatid.. pabalik na sana ako sa kinaroroonan ng aking ate, nang biglang may mga pamilyar na mukha akong nasilayan.. Ang alam ko wala SIYA. nang biglang napalingon ako.. NAKITA KO SIYA.. Nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso.. Nangatog ang aking mga tuhod. At nagpawis ako ng malapot. Nablangko ang utak ko. Hindi ko namalayan, nag-asal bata na naman ako sa harap ng nanay nya. Agad akong umiba ng daanan.. Nagtago. Tumakbo. At nakatanga. Nag-iisip kung nakita ba NYA ako o hindi.
Bakit ganun? Bakit ninenerbyos pa rin ako? AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!
Ang tanga tanga ko...!!!!!!!
NAIINIS AKO SA SARILI KO!