Martes, Hunyo 11, 2013

convo with X.








Ganito na lang kami lage. Magsisimula sa kamustahan, kwentuhan, asaran, at natatapos sa pikunan. Biruin mo, 5 months na ang nakalipas mula nung nagkahiwalay kami pero hanggang ngayon daig pa namin ang magsyota kung mag-away. Ewan ko ba sa lalaking 'to kung ano trip nya. Sabagay, di rin naman nya alam trip ko. HAHA! Ang gulo namen e. Pero mahal ko yang panget na yan! :<


Lunes, Hunyo 10, 2013

Ayoko na talaga.

siguro ito na yung time para sabihin kong TAMA na talaga. Ngayong nasa legal na edad na ako, siguro naman makakapag-isip na ko ng mas maayos.

sa halos apat na taon na kinulong ko ang sarili ko sa pagmamahal na pinilit..  TAMA NA. I have had  enough. Sa totoo, ayoko pa sumuko. ayoko pa umayaw.

kaso anong magagawa mo kung ang taong mahal mo ay sya mismong nagpaparamdam sayo na hindi ka nya kailangan? na ang taong naging bahagi ng nakaraan mo na hanggang ngayon mahal mo pa rin ay hindi ka na halos makilala? na ang taong tinuturing mong mundo mo eh ayaw kang ibilang sa mundo nya?

salamat na lang sa lahat.

mag-aaral na lang ako ng mabuti.

bye :')

Happy 18th Birthday to me!

Sabi nila, pag nag 18 ka na daw, ibig sabihin non, MALAYA ka na. Malayang magdesisyon para sa sarili mo at malayang mapanindigan ang desisyong pinili mo.

So okay. 18 na 'ko.

Kahapon pa actually.

Well.. Ano ba nangyari kahapon?

Wala kong gana ikwento.

HAHA

Lunes, Hunyo 3, 2013

hanggang sulat na lang HAHA

Chongke pa!! HAHA. Badtrip kasi kanina.. Ni hindi man lang ako nakapag ayos. HAHA! Potek e. Kaya yun. Pumunta na lang ako sa dagat. gawain ko pag gusto kong isigaw lahat ng problema ko. HAHA! Ansaya nga e. Kami lang ni kikay (kapitbahay namin na kalaro ko) ang nasa dagat.. Ansaya. namimiss ko tuloy sya. HAHA. Gawain din kasi namin nung kami pa ang tumambay sa dagat at hintaying lumubog ang araw ee. Para bang dagat ang saksi sa tamis ng pagmamahalan namin noon, tapos ngayon dagat parin ang saksi sa pait na bakas ng aming kahapon. Ang lalim! HAHA

Pasenya na. Wala pa kasi akong lakas ng loob na magpakita sayo. Lalo na sa mga panahong ni hindi man lang ako nag-aayos. Alam ko, wala ka namang pakialam. Kahit makita mo pa ako sa daan, kahit na dumaan daan ako sa bahay nyo, kahit pa anong gawin ko.. Dahil bahagi na lang ako ng iyong nakaraan. Masakit man pero kelangan kong tanggapin ang katotohanan..


Sino nga ba ako ngayon sa'yo? Ngayon pang nalaman ko na beauty queen na naman ang syota mo. Walang wala ako dun. 3 months na pala kayo. Wow. Akala ko kasi naghihintayan tayo e.

Pero, wala eh. Siguro ganun talaga.

Aaminin ko, hanggang sa kaoras-orasang ito, IKAW pa rin.

Diko alam kung kelan ka mapapalitan. O kung kelan ba ako magmamahal uli.

Pwede naman kung gugustuhin ko.

Gustuhin ko man, at the end of the day, sarili ko lang din lolokohin ko.

Dahil alam ko naman na ikaw at ikaw at mananatiling ikaw. :'C
Kanina, sa pinaka-di-inaasahang panahon, muling nagkrus ang aming landas ng aking unang pag-ibig.  Nasa palengke ako, kasama ng aking panganay na kapatid.. pabalik na sana ako sa kinaroroonan ng aking ate, nang biglang may mga pamilyar na mukha akong nasilayan.. Ang alam ko wala SIYA. nang biglang napalingon ako.. NAKITA KO SIYA.. Nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso.. Nangatog ang aking mga tuhod. At  nagpawis ako ng malapot. Nablangko ang utak ko. Hindi ko namalayan, nag-asal bata na naman ako sa harap ng nanay nya. Agad akong umiba ng daanan.. Nagtago. Tumakbo. At nakatanga. Nag-iisip kung nakita ba NYA ako o hindi.

Bakit ganun? Bakit ninenerbyos pa rin ako? AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!

Ang tanga tanga ko...!!!!!!!


NAIINIS AKO SA SARILI KO!