Linggo, Abril 28, 2013

Me and my sister having convo:

Sya: may blog ka??

Ako: Meron.

Sya: Ano?

Ako: HAHAHA! Bagik lang ayjay. No one knows.

Sya: para ka ring nag-upload ng picture sa FB tas i-o-only me mo rin lang pala. 

Ako: So what? HAHA

-----------------------------------------------------------


To be honest, ayoko talaga ipaalam kahit kanino na nagblo-blog ako. Actually, ginawa ko na ngang diary to ee. May purpose kasi ako. Gusto ko malaman nalang nila na nagblo-blog ako pag namatay na ako bilang ala-ala ko naman sa kanila para naman kahit papano malaman nila talaga pinaggagagawa ko, kung bakit late ako matulog sa gabi, para alam nila kung paano nga ba mainlove ang isang tulad ko, kung paano ako masaktan, kung pano ko kinikimkim lahat ng sama ng loob ko, kung pano ko nilalabanan ang pangungulila ko, kung pano ako nagiging masaya, kung pano ko sinusulat ang buhay ko. Gusto kong makilala nila kung sino ang tunay na ako pag wala na ko. 



Trip ko lang hahahahaha..


Lowbat na naman laptop kung kelan ginaganahan na ko magblog.


Ampotek lang ee. Tsk ://
April 27, 2013
Saturday

So kahapon, birthday celebration ni Viola. Sabi ko sa GM ko, 3PM dapat andun na. HAHA, ang kaso ako na nagsabi nang ganung ka-aga, ako pa ung dumating ng 5:30 PM. Filipino ako ee. Hehe.

Tapos yun. Alam ko naman na maboboring ako but I never thought na ganung klaseng ka-awkwardan ang mangyayari. Biruin mo ah, ung former bestfriend mo, hindi ka pinansin, binati mo na nga, andun ung  binusted mo, tapos andun ung gustong manligaw sayo na bestfren pa man din ng binusted mo tas ung tinuturing mo na trye friend mo ipinapahiya ka sa guy bestfriend mo.

Diba?  Imagine?

Haha. laking thankful ko na lang kay Nicca. ;)) HAHA! Mabuti pa ang bakla..


Hayyyyysssssssssssss  -____-


Share
GUSTONG GUSTO KONG MAG-BLOG NG MARAMI'T MAHAHABA ANG KASO LANG LAGI AKONG WALANG GANA TAPOS LAGING LOWBAT ANG LAPTOP TAPOS LAGI AKONG PINAPATULOG NG MAAGA NG AKING KAPATID. KINUHA NA NGA NYA ANG CELLPHONE KO, BINIBIGYAN PA KO NG CURFEW SA PAGGAMIT NG LAPTOP. HAYYYY! KAWAWA NAMAN AKO :(( BALANG ARAW MAKAKABILI RIN AKO NG SARILI KONG GADGETS.  HAHA. PERO MATAGAL PA YUN. PANGARAP LANG MUNA SA NGAYON HEHE. AMBORING NG BUHAY KO. -_____-

WALA NA NGANG PERA, WALA PANG KAIBIGAN! HAHAHA.

KAMALASAN BA 'TO?


Martes, Abril 23, 2013

Nagpapasalamat ako ng marami sa pagiging irregular ko. Dahil kung hindi, wala SIYA ngayon :) HAHA! Although magkaiba kami ng course, ung mga friends nya ee kaklase ko sa isa sa limang sections ko. WAHAHA!

Ang weird eh no? Dati, dinadaan-daanan lang namin ang isa't-isa. Tapos ngayon? 

HAHA!

Actually diko alam magigng set-up sa pasukan kasi naging close lang naman kami this vacation. EWAN! SANA walang magbago!

HAHAHAHAHAHA! magshi-shift na 'ko!!!!!!!!!!!!!!!!! :********

NOW WE'RE TOGETHER!

Naramdaman nyo na ba yung feeling na kakantahan ka ng lalaki sa cellphone? Grabe sa feeling eh no? Ung tipong gusto mo ng lumubog sa kinauupuan mo sa sobrang kilig! HAHA! First time kong makantahan thru cellphone. Prames! ganun pala yun! ;))

Ganito kwento non.


April 22


SIYA calling.....


I answered.


SIYA: hello.

Ako: Oh bakit?
SIYA: namimiss na nga kita mamay.
Ako: Maat!
SIYA: Totoo naman kasi. *pa-cute voice*
Ako: *tahimik*

SIYA: ♫ I had a dream of you and me last night
Under the stars and moon, so bright
Lying together we hold each other tight


Ako: Ano yan? Tula?



SIYA: ♫There's nothing better than being just with you
It's like a dream come true
Over and over
Again and again
I'll say
I love you

Ako: HAHA! *kinikilig*


SIYA: ♫Now we're together
Never ever will I leave you
We're together
No one's gonna take you away from me
Cause you'll be
You will always be
The only one for me

When you told me you love me the way I do
Can't explain my feelings inside
I feel so alive since I had you by my side
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/khalil-ramos-now-were-together-lyrics.html ]
There's nothing better than being just with you
It's like a dream come true
Over and over
Again and again
I say
I love you. Ilove you Shaira :* Iloveyou. Iloveyou. Iloveyou. Muah. Muah. Muah..


Ako: Uwaaaaaaaaaaaaaaa! Kitnam maat! *kunwari babae katawag ko para di mahalata ng ate ko*


SIYA: Now we're together

Never ever will I leave you
We're together
No one's gonna take you away from me
Cause you'll be
You will always be
The only one for me


Ako: HAHA! Speechless na ko bruha ka. Malandi.

Siya: Ayomo ba?

*Biglang umambon*

Ako: Lagot ka. Umambon na.

Siya: Hindi naman dito.

Ako: Uhm.. Oh sige na. Maliligo na ko. Salamat.

Siya: Iloveyou mamay :*

Ako: Wunen.

Siya: Iloveyou.

Ako: HAHA!

Siya: Iloveyoutoo.

Ako: bagtet!

Siya: Iloveyoutoo ko muna..

Ako: Che! Wala.

Siya: Hmpp. Sige ngarud. After exam uli mamay ha? Ingat ka lagi. Iloveyou May. Muaa :*

Ako: Babay! Godnight.. :))

--end call--

WAHAHAH! Langya eeh. Nekekeleg eke.

Hanggang ngayon. Kannta lang pala ni Khalil un! WHAHAHAA!!


MASAYA LANG PO :D
naiinis na ko dahil gusto ko mag-blog kasi naiinis ako dahil diko malagyan lagyan ng music tong blog ko nakakainisssssssssssss!
Diko alam kung ano sasabihin ko. KINIKILIG LANG TALAGA KASI AKO~

Huwebes, Abril 18, 2013

Goodbye nails.

Nakikita nyo ba yan? Si Chao pa nagkuko nyan last March 12. Pinahaba ko yan. Tas ngayon, wala na. Pudpod na naman. Alam mo yun? Inalagaan mo, pinaganda mo. Tapos kung hindi sana dahil sa hintuturo na naputol hindi ko sana kukukuhan lahat. Kaso ang pangit kasi tgnan kung yung isa  maliit eh. Hindi na magandang tignan.
Parang relasyon lang. kahit gaano mo alagaan at ingatan, pag may lamat na, kahit gaano pa kaliit, unti-unting mapuputol ulit. Sa huli, babalik ka sa kung saan ka nagsimula. At maghihintay ka uli kung kelan uli makakaroon ng ganong kahabang kuko. HAHA! Whatever! I miss my nails. :((


GEMINI - The Twin (May 21 to June 20)Nice. Love is one of a kind. Great listeners. Very good at confusing people. Lover not a fighter, but will still knock you out. Geminis will not take any crap from anyone. Geminis like to tell people what they should do and get offended easily. They are great at losing things and are forgetful. Geminis can be very sarcastic and childish at times and are very nosy. Trustworthy. Always happy. VERY Loud. Talkative. Outgoing. VERY FORGIVING. Loves to make out. Has a beautiful smile. Generous. Strong. THE MOST IRRESISTIBLE.

Why are you making this hard for me?


Kung kelan nalampasan ko na yang 3 months rule na yan, saka ka ulit nagparamdam. HAHA~

Keme! Now I know what that rule means..

It's a time for REALIZATION.

Siguro narealize nya na we can still be. that there's still a possibility to make things right.

And you know what?

Eto ung time na hininge ko sa kanya bago kami mag-break.

Sabi ko sa kanya noon, bigyan nya ko ng 3months para ayusin ang utak ko. Ayaw nyang pumayag pero sa huli, wala syang nagawa.

At yun. Eto na yun.

Any plans?


HAHA! The only question now is WHEN??

He wants me back.

April 17, 2013 pinadaanan nya ko ng GM nya. Actually, miminsan na nga lang kung padaanan nya ko ng GM. That GM ay tungkol sa ex thingy.

Then I immediately replied, ``Weh?``

After 3 minutes, nagtext sya.

Iloveyou:(

Tapos tugudug tugudug tugudug!

Wahaha.

Sa totoo lang, kinakabahan na ko kasi na sesense ko na balak nya.

Then kunyari pakipot. I replied...

``joke ba yan? tatawa na ba 'ko?``

Tapos sabi nya, ``kung ayaw mo e di wag mo``

tapos sabi ko, `` okay.``

Tapos...

``bahala ka``- sya

``sabihin mo munang kailangan mo 'ko.``

``wag na.`` (NO WAY in english haha) - sya

``OK! madali lang naman akong kausap.``

``kailangan kita. yan, masaya ka na?``- sya

``Ok!``

HAHA. end of convo.

ewan ko. ang gulo nya.

ang labo ko.

bagay talaga kami hahaha.

lately kasi nagpaparamdam na naman sya..

eh sa totoo lang naman talaga hindi pa ko nag mu-move on.

HAHA! So kanina nagGM ulit sya..\\

Sya: Nyt!
Ako: Goodnight baby! Iloveyou :*
Sya: Ngek. Sige text muna tayo. Gising ka pa pala.
Ako: HAHA! sige. Ano pag-uusapan natin?
Sya: Diko alam e.
Ako: Eh. Ako din.
Sya: Napapadalas ka mag-Iloveyou ngayon ah. Dati pag ako nag-a-iloveyou, TY lang sagot mo, kaya TY din sagot ko sayo.. :)
Ako: Okay. Youre welcome. :)
Sya: :)
Ako: Matulog ka na. Goodnight! Iloveyou :***
Sya: Gusto mo pa naman ako, at gusto pa naman din kita, bakit hindi na lang tayo maging ulit?
Ako: haha! Gusto mo? Sure ka? Walang bawian kakain ng tae ng baka? mehehe
Sya: Para kang bata. HMP
Sya: Isa lang naman sagot. OO o HINDI.
Ako: OO
Sya: Kailan natin sisimulan o paano natin sisimulan ulit mahal ko?
Ako: Hindi ko rin alam. Next week? Next next week? Next month? HAHA
Sya: OK!
Ako: blah blah blah
Sya: Blah blah blah

The end. natulog na sya. HAHA!



Kelan ba naging mali ang umibig?

Sa totoo lang ang hirap humanap ng dahilan. O meron nga ba talagang MALI? baka naman ang sinasabing mali ay ang mga pisikal na kaanyuan o estado sa buhay. HINDI! Kailanman hindi magiging mali yang mga bagay na iyan. Malabo eh.

Pero paano nga ba kung ang PANANAMPALATAYA ninyong dalawa ang  dahilan kung bakit naging mali ang pag-iibigan nyo?

Paano mo hahanapan ng sagot ang tanong na yan?

Ang hirap diba..

Pero siguro pag may isang magsasakripisyo, ang mali, unti-unting magiging tama.

Pero kung ako?

Hindi. Hindi ko ipagpapalit ang relihiyon ko para sa taong mahal ko. 

Pasensya na.

Kung talagang MALI ang umibig sa hindi mo kapanampalataya, sige. Magpaparaya ako. Ipapamigay kita dahil alam ko hindi mo rin kailangang magsakripisyo para lang sa akin.

At nirerespeto ko desisyon mo.

Kelan ba magiging tama ang pag-ibig natin? :(

Martes, Abril 16, 2013

Like sya ng like lahat ng pinopost ko mapa-picture, status, activities.. blah bla blah. tas magcocomment sya ng ``wew``odi naman kaya eh " :) " Ano drama nya? He's not supposed to do that!
Inaantok na ako -_____- HAHA!

HAHA! bakasyon kasi ulit? :P

Natatawa lang ako kasi nung isang araw tinignan ko lahat ng posts ko dito tas ngayon lang ulit nag sink in sa utak ko na nainlove pala ako sa batang 'to. Di minessage ko sya. HAHA! Di ko naman inexpect na magrereply sya agd agad ng bonggang bongga haha. :D

Tas end of convo na.

Tas kanina may message sya. Yun binasa ko. HAHA! Natawa lang ako HAHA!

ALAM NA! Wahhaa. Jk! :P
PRINT SCREENED! :P

3 Month-Rule..

Sabi nila, pag 3months na daw na break kayo ng X mo, DAPAT ka na daw mag-move on at itigil na ang pag-asa na magiging kayo ulit. Sabi nila.

So 3 months na 'kong single. HAHA!

Di ko alam kung naka move on na ba ako o hindi pa.

May mga nagtatanong, kaso ang hirap sumagot.

Depende kasi..

Ewan ko! nagblog lang ako para ipaalam na 3months na 'kong malaya :)

So, eto na 'ko ngayon. Wala namang pinagbago. Nagpaikli lang ako ulit ng buhok haha! Kaso ako pa rin yung babaeng masaya sa umaga at lumulungkot pag gabi.. MAMAW- babaeng gising sa gabi! HAHAHA!


Miyerkules, Abril 10, 2013

And so we're back!

Sa mga lumang post ko, naisali ko na 'tong babaeng 'to. Grabe no? Antagal din kasi ng hinitay namin bago maging KAMI ulit! Nung una di ko pa alam kung paano kami mag-a-approachan...

Kasi last week ata ng March yun, nakita ko sya sa palengke. The moment I saw her, there's something inside me na gusto syang yakapin! HAHA! Ang drama no? pero TOTOO yun..

Then I asked her for a date.. And she accepted my offer..

Tas kanina ang usapan namin magkikita kami ng 9AM..

Nagkita naman kami ng 9 kaso nakaalis kami sa bahay nila ng 11 haha.

Tas yun! The USUAL BEFORE, GINAWA ULIT NAMIN NGAYON!

I'm just so happy that WE ARE BACK!!!!!


DALAGA NA KAMI HAHA!

GANDANG DI NAMIN INAKALA :D

Martes, Abril 2, 2013

Ano ba talagang nangyare?

.Madami kasing nagtatanong kung bakit daw ba kami nagbreak eh ang alam nga nila non, kami na FOREVER. Eh sabi ko naman, ang forever ngayon parang promo lang ng smart, globe, sun, na sinasabing unlimited, pero bukas makalawa, matatapos rin.

I admit. AKO ang nakipagkalas. Ako ang nang-iwan. Ako ang nanakit. Pero hindi ako ang nagkulang.

Hindi ko alam kung paano, pero siguro wala 'ko sa posisyon para husgahan sya..

Ang akin lang naman, ayoko ng one-sided love. Ayoko na iisa ang gumagana. Iisa ang gumagawa. Iisa ang nagmamahal. At iisa ang nasasaktan.

Nung una, masaya naman talaga KAMI.

EWAN! BYE!!!

Masakit pala na pakawalan ang isang taong sobra sobra mong minahal, at ang sakit tanggapin na tadhana ang naglapit sa inyo, pero tadhana rin pala ang maglalayo sa inyo.

You’ve become a stranger to me,

to the point where I barely acknowledge your presence when you’re around. It feels as though I’ve never met you, you’re like an entirely different person. Isn’t it strange how things change so drastically? The person you seemed so close to, the one you thought you knew for sure, has eventually become someone you know the least. It’s sad. You were once my everything, and now there’s nothing between us.

Ang kantang nakakapagpaiyak sakin ng sobra.

My Dream -->> click it! http://www.youtube.com/watch?v=TKuB-sE5aIA

Nadiscover ko 'tong kantang 'to sa tumblr ni ate Shy.( ung favorite blogger ko!) Inlove na inlove pa ko kay *toot* noon. As in araw-araw chinecheck ko tumblr ni ate Shy o kaya brinabrowse ko sa youtube para pakinggan ko 'to.. Although, I hate  K-pop, gustong gustong gusto ko 'tong kantang 'to.

Siguro kaya ako nalulungkot pag naririnig ko tong kantang 'to ee kasi noong lagi kong napapakinggan 'to, inlove pa 'ko tas ngayon na napapakinggan 'ko na 'to nagiging malungkot na dahil naaalala ko na hindi na pala ako inlove ngayon at siguro kase, naaalala ko 'ung taong laging laman ng puso't isip ko noon at maging hanggang ngayon naman e.

Hindi ko alam kung anong meaning neto pero parang ang lungkot.

Nakakaiyak.

It makes me reminisce the past.

Bave..


Now what??

APRIL 02, 2013 TUESDAY

Ang saya saya ng araw na 'to kasi nakalabas ako ng kulungan (bahay namin) HAHA!
Nilibre rin ako ng aking kaibigan ng hair treatment na ang mahal mahhal wala naman palang epekto haha! Thanks pa rin ;)

Napagdesisyunan kong pumunta sa kinalakhan kong barangay- ang barangay TABERNA.

Nakipagkita ako sa bestfriend ko sa palengke.. Bumili ng ilang pinabibili ng aking kapatid at meryenda..

Papunta na kami sa sakayan non, nakayuko ako at nag-aayos ng mga gamit ko.. Nang bigla akong siniko ni Lanie.. At bigla syang nagsalita na para bang may kinakausap sya..

Sa pag-aakalang ung uncle nyang tricycle driver un, hindi ko pinansin..

Nang biglang magsalita ung uncle nya..

Dun ako lumingon..


*DUG DUG DUG DUG*

Si Reindy?
Si Reindy!

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, napayuko na lang ulit ako tapos agad-agad akong sumakay sa triicycle. -____-

Tas may nahulog siya sa sobrang pagmamadali nya, halos hindi na nga nya napansin kung hindi pa sinabi ng uncle nya.

Tapos AKO?? Un, S P E E C H L E S S !!


Pinakiramdaman ko ung nararamdaman ko.

Iniiwasan nya ba ako?

O iritable sya sa presensya ko?

Ano ba talaga? bat hindi man lang nya ko nagawang batiin? o ngitian man lang?

Sabi nya friends naman pa rin kami.

may ganun bang magkaibigan??


ANO? ANO? ANO?


LITONG-LITO NA AKO E.

AKALA KO WALA NA, MAHAL KO PA RIN PALA SYA. :'(

MAHAL NA MAHAL.

HAHA!

So, habang papunta na kami sa barangay naming mahal, ang gulo ng isip ko pero hindi ko na lang ipinahalata.

Dumaan kami sa bahay nila Reindy at bibili kami ng softdrinks.. tas andun pala si PAPA.... niya..


tas sabi nya..

`` Oh Shaira, ikaw pala yan.. Nakita ka na ni Reindy?``

`` Ay hello po! Hindi pa po eh. Wala ata sya, nakidate. :)``

Habang nagmemeryenda ulit kami, sya naman ang dumaan sa harap namin..

`` Shaira, kamukha mo talaga yung nasa CSI na babae ung naka-display dun, pero sabi naman ni Reindy, hindi daw ikaw yun, pero kamukha mo talaga e.``

``Ay, hindi po ako yun Uncle ;)``

``Parang ikaw nga.``

`` haha. hindi nga po``

``Oh sige na nga, sige may pupuntahan muna kami.``

``Sige ho PAPA!``

HAHA. Nakakatuwa lang isipin na kahit na wala na kami ng ANAK nila eh mabait pa rin sila sa akin, maging ung ate at kuya at mga pamangkin ng X kong kumag.

NAKAKALUNGKOT nga lang, kasi WALA naman na KAMI ng anak nila.

HINDI MAGTATAGAL, MAKAKALIMUTAN NA RIN NILA AKO.







Lunes, Abril 1, 2013

Lagi mo na lang iisipin, meron pang MAS malaki ang prinoproblema kesa SAYO! WAG KA MADRAMA :)

Itulog na lang.

Asus, kesa magdrama na naman ako, itutulog ko na lang. Atleast hindi na MAS lalaki ang eyebags ko no? Duh! Para san pa ang pagdradrama kung wala naman syang pakialam???


WHY DON'T YOU JUST MOVE ON SHY?


Mahirap T_____T
Hi. Haha! Lately, napapadalas ako magblog. Pano ba naman kasi, bakasyon. Boring, walang pera  ibig sabihin walang gala. =(

Gusto ko sanang laging namamasyal, pasyalan ko yung mga friends ko, manood ng sine, magshopping, magfoodtrip, magpaganda.. Ang kaso nga WALANG PERA.

Lagi na lang masakit ang ulo ko -_-

AHHHH! Gustong gusto ko ng bumalik sa Cavite :'(


Dear self,



What the fuck is wrong with you? The guy’s an asshole. Now you’re saying that a part of you still wants him? Remember the nights when you cried yourself to sleep. Remember waking up with swollen eyes and a headache. You were hurt while he, on the other hand, was busy spending time talking with bimbos as if you did not exist. You got to move forward and stop thinking about the past. Learn from it, don’t dwell on it. 


(Source: psycholust)

Love vs. Time

I found it on ate Shy's tumblr <3

Do you know how hard it is to let go?

Letting Go means leaving everything that made you happy. It’s a simple way of saying, as an individual, you are now mature enough to throw away the memories no matter how hard it is.I once let go of someone so special. He was the man I never thought would be so special. I loved him so much that I considered him as my first real love. Yes, I’ve been through a lot of wrong frogs until I met my prince. But then suddenly, I didn’t know what happened and every special thing we had already vanished. I woke up one morning realizing that he doesn’t love me anymore. And instead of begging him to stay, I let him go just like that. No more questions.If I ever regret letting him go, no. I don’t regret it. Because first of all, he was the first one to fall out of love, and the first one to leave. I want him to be happy. I want him to experience the life he had before we met. If he’s meant for me, our paths will cross someday, and if not, I guess everything we had will only remain as a memory now.Do you know how hard it is to let go of someone you love so much? Very hard. It’s like digging your very own grave and burying yourself alive. Yet, you try to fake all the feelings, that you are okay, and in the end, he’s still the one you wanted to love.
(Source: shyieesolove)