Huwebes, Abril 18, 2013

Kelan ba naging mali ang umibig?

Sa totoo lang ang hirap humanap ng dahilan. O meron nga ba talagang MALI? baka naman ang sinasabing mali ay ang mga pisikal na kaanyuan o estado sa buhay. HINDI! Kailanman hindi magiging mali yang mga bagay na iyan. Malabo eh.

Pero paano nga ba kung ang PANANAMPALATAYA ninyong dalawa ang  dahilan kung bakit naging mali ang pag-iibigan nyo?

Paano mo hahanapan ng sagot ang tanong na yan?

Ang hirap diba..

Pero siguro pag may isang magsasakripisyo, ang mali, unti-unting magiging tama.

Pero kung ako?

Hindi. Hindi ko ipagpapalit ang relihiyon ko para sa taong mahal ko. 

Pasensya na.

Kung talagang MALI ang umibig sa hindi mo kapanampalataya, sige. Magpaparaya ako. Ipapamigay kita dahil alam ko hindi mo rin kailangang magsakripisyo para lang sa akin.

At nirerespeto ko desisyon mo.

Kelan ba magiging tama ang pag-ibig natin? :(