Martes, Abril 2, 2013

Now what??

APRIL 02, 2013 TUESDAY

Ang saya saya ng araw na 'to kasi nakalabas ako ng kulungan (bahay namin) HAHA!
Nilibre rin ako ng aking kaibigan ng hair treatment na ang mahal mahhal wala naman palang epekto haha! Thanks pa rin ;)

Napagdesisyunan kong pumunta sa kinalakhan kong barangay- ang barangay TABERNA.

Nakipagkita ako sa bestfriend ko sa palengke.. Bumili ng ilang pinabibili ng aking kapatid at meryenda..

Papunta na kami sa sakayan non, nakayuko ako at nag-aayos ng mga gamit ko.. Nang bigla akong siniko ni Lanie.. At bigla syang nagsalita na para bang may kinakausap sya..

Sa pag-aakalang ung uncle nyang tricycle driver un, hindi ko pinansin..

Nang biglang magsalita ung uncle nya..

Dun ako lumingon..


*DUG DUG DUG DUG*

Si Reindy?
Si Reindy!

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, napayuko na lang ulit ako tapos agad-agad akong sumakay sa triicycle. -____-

Tas may nahulog siya sa sobrang pagmamadali nya, halos hindi na nga nya napansin kung hindi pa sinabi ng uncle nya.

Tapos AKO?? Un, S P E E C H L E S S !!


Pinakiramdaman ko ung nararamdaman ko.

Iniiwasan nya ba ako?

O iritable sya sa presensya ko?

Ano ba talaga? bat hindi man lang nya ko nagawang batiin? o ngitian man lang?

Sabi nya friends naman pa rin kami.

may ganun bang magkaibigan??


ANO? ANO? ANO?


LITONG-LITO NA AKO E.

AKALA KO WALA NA, MAHAL KO PA RIN PALA SYA. :'(

MAHAL NA MAHAL.

HAHA!

So, habang papunta na kami sa barangay naming mahal, ang gulo ng isip ko pero hindi ko na lang ipinahalata.

Dumaan kami sa bahay nila Reindy at bibili kami ng softdrinks.. tas andun pala si PAPA.... niya..


tas sabi nya..

`` Oh Shaira, ikaw pala yan.. Nakita ka na ni Reindy?``

`` Ay hello po! Hindi pa po eh. Wala ata sya, nakidate. :)``

Habang nagmemeryenda ulit kami, sya naman ang dumaan sa harap namin..

`` Shaira, kamukha mo talaga yung nasa CSI na babae ung naka-display dun, pero sabi naman ni Reindy, hindi daw ikaw yun, pero kamukha mo talaga e.``

``Ay, hindi po ako yun Uncle ;)``

``Parang ikaw nga.``

`` haha. hindi nga po``

``Oh sige na nga, sige may pupuntahan muna kami.``

``Sige ho PAPA!``

HAHA. Nakakatuwa lang isipin na kahit na wala na kami ng ANAK nila eh mabait pa rin sila sa akin, maging ung ate at kuya at mga pamangkin ng X kong kumag.

NAKAKALUNGKOT nga lang, kasi WALA naman na KAMI ng anak nila.

HINDI MAGTATAGAL, MAKAKALIMUTAN NA RIN NILA AKO.