Biyernes, Marso 29, 2013

Yun bang bigla na lang nasaktan ka sa di mo inaasahang dahilan. Tapos hindi mo alam kung ano ba ang dapat mong maramdaman. Pwede mong itago sa lahat ng tao na hindi ka nasasaktan. Pero hindi mo kayang itago sa sarili mo na bigla na lang nadurog ang puso mo. Hindi mo maintindihan kung bakit, pero masakit. At tanging pagtulog na lang ang paraan para makalimutan mo na nalungkot ka.