Biyernes, Marso 29, 2013

ee kasi ang sakit sakit na.

Naranasan nyo na ba ung feeling na feeling mo wala kang kakampi? Na gusto mo na lang kitilin ang sarili mong buhay sa sobrang bigat ng nararamdaman mo. Halos lahat na ng kamalasan na sayo na, halos lahat ng gawa mo sa tingin nila eh MALI. Iniisip mo na wala ka namang ginagawang masama para magalit sila sayo o kamuhian ka ng ganun ganun na lang. Pero kahit anong pang-unawa di mo sila maintindihan. Sa totoo lang, pagod na pagod na 'ko. Gustong-gusto ko ng maglayas. Ang kaso alam ko babalik at babalik naman ako sa mga kapatid ko kasi sila na lang ang pamilyang meron ako. AT alam ko kung maglalayas man ako lalo lang nila akong kagagalitan. Ansakit no? Ang gusto ko lang naman magkaron ng KALAYAAN. hayaan sana nila  akong gawin kung anong gusto ko dahil wala naman akong gagawing masama sa sarili ko. Kaso, alam mo kung anong masakit? Yun bang ayaw niang pagkatiwalaan ka. Ayaw ka nilang bigyan ng KALAYAAN. Ayaw ka nilang maging lubos na MASAYA. Gusto ko na lang umiyak ng umiyak kasi  hirap na hirap na 'ko lalo pa't vwala naman na akong magulan para pagsumbungan ng mga hinanakit ko sa buhay. Kaya nga kahit papano, nagpapasalamat pa rin ako sa mga KAIBIGAN ko na laging anjan para pasayahin ako. Kahit alam ko may kanya-kanya rin silang problema. Siguro ganito talaga ang buhay na sinasabi nila. Mahirap. Magulo. Madaya.