Kahit kailan hinding-hindi ko maiintindihan ang gusto, nina-nais o kung anong meron sa bokabularyo ng isang lalaki. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan nilang maging pa-sweet sa isang babae gayong wala naman pala itong nararamdaman sa kanya. Hindi naman sa nilalahat ko, ngunit karamihan sa lalaki eh mahilig maglaro ng puso ng babae. Kaya ngayon magtatanong ako, bakit niyo niloloko ang isang babaeng alam mong minamahal ka ng tunay? Anu ‘yon? Pinagpa-praktisan mo siya para kapag andyan na ‘yung babaeng mamahalin mo, alam mo na ‘yung gagawin mo? O kaya naman trip mo lang talagang mangloko? Para maging cool ka sa mga barkada mo? Para masabing may babaeng patay na patay sa’yo? Damn! It’s not fair, you know?! Kasi naman tina-trato mo siya na parang may gusto ka sa kanya, pinapa-ibig mo siya ng todo-todo sa’yo, pero hanggang sa magsawa ka at alam mong in love na ito sa’yo, bigla kang manlalamig sa kanya na. Napaka-unfair para sa babae ‘to. Hoy lalake ka! Mas masahol ka pa sa tambay na nagmi-miss at pumu-puswit dyan sa kabilang kanto! Don’t ever treat a girl like she’s so special to you, dahil unti-unti ‘yang mai-inlove sa’yo, tapos bigla kang magsasabi dyan na, “Hindi naman kita gusto.”
Kung maglalaro ka, ‘wag ang puso ng babae! Ang mga lalaking tulad niyo ang nagiging dahilan kung bakit may mga babaeng takot ng umibig, dahil takot na silang maloko at umaasa pa. Kayong mga lalaking manloloko at mahilig maglaro ng damdamin ng babae: kahit kailan hindi niyo rin maiintindihan ‘yung sakit na dinudulot niya para sa babaeng pinapaasa mo! Maging tunay na lalaki ka naman! At maging patas ka naman sa nararamdaman mo… Hindi laruan ang puso.