Kaya lang, lahat na ng tao gan’to eh! Mga paasa! Mga walang kwenta! Mga walang puso! Walang ibang gawin kundi paasahin ka ng paasahin sa wala! Hobby ata nila ‘yung magpa-asa. Kung ngayon sasabihan ka niya ng, “I love you.” Kinabukasan, “Who are you?”. Lalambingan ka niya ngayon, bukas ang dry niya! Siguro sila ‘yung mga tipo ng taong pa-sweet, dahil ‘yun ‘yung way para makuha nila ‘yung taong ninanais nilang lokohin at paasahin! Pinapakita nilang malambing sila sa’yo, na parang nag-aalala sa’yo, ‘yung tipong gagawin ang lahat, para mapamahal sila sa’yo. But at the end of the day, wala namang totoo sa mga pinag-gagagawa niya at pinagsasabi niya. Mahirap ng paniwalaan ‘yung salitang, “Action speaks louder than words.” Kasi ‘yung iba, kahit ma-effort pa ‘yan, hanggang sa una lang ‘yan dahil sinusuyo ka pa, dahil hindi ka pa sa kanya. Tulad ng sabi ko, kahit mga manloloko, ma-effort dahil gagawin lang nila lahat, maloko at mapaasa ka lang nila.
Pero minsan, nasa atin din ‘yung problema eh. Kasi nami-misunderstood natin ‘yung mga gawa nila. Tulad na lang ng mga sitwasyon na, nag-“Hi!” siya sa’yo, kinindatan ka niya, lagi ka niyang tinatabihan tuwing quiz, niyaya ka niyang mag-lunch dahil wala daw siyang sa kasabay, kinuha niya number mo kasi magtatanong ng assignment, binigyan ka niya ng candy, inalok ka niya ng softdrinks at marami pang mga motibo! Minsan kasi para sa atin, sign na ‘yun na may gusto sa’yo ‘yung taong ‘yun kahit hindi naman. Ayos lang mag-assume! ‘Wag lang sobra, dahil darating sa puntong magiging tanga ka sa kanya. Kaya sa mga nagbabasa nito! Kung hindi mo mahal ‘yung isang tao, ‘wag kang magpapakita ng motibo na parang mahal mo din siya, dahil kung ganun man, maghihintay siya na mahalin mo! At ng walang taong umaasa!!!!