Miyerkules, Pebrero 15, 2012

talagang ganyan ang buhay kaibigan...

Ang lahat ay nagbabago. Tao man, bagay man, pangyayari, LAHAT! Maging ako. At kahit ikaw. 

masakit lang isipin na sa mga nagbagong yun ay napasama ka. aking pinakamamahal na kaibigan. Parang kailan lang ng magkasama tayong namamasyal sa kung saan saan. hawak ko ang iyong kamay, at hawak mo ang akin. sabay tayong kumain ng turo turo sa daan. Namimili ng mga kahit ano basta magkapareho tayo. naliligo tayo sa dagat kahit halos bumagyo na. Kumakanta tayo ng malakas kahit pinagtatawanan tayo ng maraming tao. Mahilig tayong maglitrato kahit sa gitna ng kalsada. Nagreregaluhan pag sumasapit ang ating kaarawan. Nasanay tayo na tayo lang. 


Grade four tayo nun ng unang maging close. Magkatabi tayo. Natatandaan mo pa ba tayo lang yata ang hindi nagsusulat. dahil habang nagtuturo ang ating guro yun tayo at nanunukso ng kahit sino. tinatawanan ang mga walang kabuluhang bagay, pinoproblema ang hindi naman talaga dapat problemahin. Natatandaan mo pa ba nung nadengue ka? Wala kong kakampi nun, hinintay ko ang iyong paggaling at ang iyong pagbabalik. AT salamat sa Diyos bumalik ka na Okay na ang lahat. 


Lagi pa nga kong nakikikain sa bahay nyo e diba? Kilala ako ng nanay, tatay, kuya, at kapatid mo. At kilala ka rin ng buong angkan ko. 

Sa tuwing may galaan, ipinagpapaalam kita sa nanay mo para di ka mapagalitan. dahil ang sabi mo basta ako ang kasama mo hinding hindi sila magagalit.


MISS NA KITA. 

Halos walong taon din tayong magkasama. Sa walong taon na yun wala kong pinagsisihan.  

Natatandaan mo pa ba nung nag high school na tayo? May crush ako. Super crush ko talaga. Tapos nalaman ko ikaw pala ang gusto. saklap! pero ayos lang sakin yun dahil tunay nga namang mas maganda ka sakin.


Pero ako ata ang unang nagkaboyfriend. diba? at saksi ka sa pag.iibigan naming KALOKOHAN na halos dalawang linggo lang ang itinagal. Ikaw ang pinagsasabihan ko lahat ng lihim ko. Tinatawanan mo lang ang boypren ko nun. dahil tunay nga namang nakakatawa! [hahaha] Biruin mo kabinatang tao pero ung tsinelas ee napipigtas pa rin! sabi mo pa nga pag nagmonthsary kami regaluhan ko ng RAMBO! haha. patawa ka talaga!! :)


Tapos ikaw naman. Turn mo na para magsyota. Sinasamahan pa kita non na pumunta sa bahay ng boypren mo. kahit napakalayo pa man. Gaya ng ginawa mo dati sa syota ko, TINATAWANAN ko lang din ang syota mo dahil napakatapang!

kung sino sino na lang pinapatulan natin e noh?

Okay lang iyon! Nagmahal tayo e.


Tas nung 2nd year high school ata tayo nun nung birthday mo, tas tinawag pa kita sa likod ng room naten para ibigay ko yung regalo ko, feeling ko kasi nun napakalaking bagay na ang maregaluhan ka ng mickey mouse na panyo wahaha! ang cheap no? Tas ikaw naman na inosente tuwang tuwa ka pa haha. Mga simpleng bagay na nakakadulot ng kaligayahan sa'tin.


Sariwa pa rin sa ' king ala-ala nung una tayong nagcomputer kila Anti Audet. Kandong mo'ko. Wala tayong alam nun  sa computer. Puro ka justin bieber at ako naman Luis manzano. Hanggang sa natutu tayong magcomputer at tuluyang na.addict. Tuwing  Biyernes pumupunta tayo dun para magcomputer. Youtube dito. Facebook jan. Hahaha!!!

 Lagi tayong gabi kung umuwi nuon dahil nakikinuod tayo ng high school musical. Nakikikain rin tayo kahit ang ulam e sardinas. 



Tapos nag 4th year na tayo. Iba iba na ang grupong ating sinasamahan. Nainis ako sayo. Nainis ka sakin. Nagkainisan tayo. Pero sa huli nagbabati rin tayo. Nagkaboyfriend ulit tayo. haha. Tanda mo pa? Ung boyfriend natin nung fourth year eh magbestfriend din? Coincidence neh? hehehe :D


Tapos nainlove ako sa hindi masyadong diretso. Tinatawanan mo ko at tinutukso. Pero sa bandang huli tinanggap mo rin na nagmahal ako sa isang gaya nya.


Akala ko nung grumadweyt tao dun na ang katapusan ng lahat. Pero hindi pa pala. Dahil sabay pa rin tayong nag.enroll nung college. Magkaiba man ng course lagi pa rin tayong magkasama. Gumagala pa rin yao lagi! at lagi akong napapagalitan sa kadahilanang hinahatid muna kita sa bahay nyo bago ako dumiretso sa bahay namin. 


May boyfriend ka na namang bago tapos ako di pa rin nakamove on kay ano. Haha! Ikaw na teh! The best ka. 

Tapos may nanligaw na sakin ! Yay! Finally!!! tapos pinakilala ko sa'yo. Tapos kinilatis mo. tinukso mo. Pero Okay nga lang sakin diba? :)



hanggang sa isang araw, huling araw ko sa la union nuon bago ako lumuwas papuntang maynila, nagkakayayaan tayo, Kasama siya. AT ang bespren ko rin na pinsan Niya. 


Di ko inakala, na doon magbabago ang lahat. 
di ko alam na yun na pala ang katapusan ng ating samahan.
di ko man lang inisip na mangyayari ang isang bagay na makapagbabago ng lahat.



Sa isang iglap, nawala ang lahat ;'(



Ayoko ng sabihin kung ano yung nangyare. Ayaw ko ng balikan ang nakaraan. Ayaw kong muling pumasok sa isip ko ang nagawa mo, Dahil mahal pa rin  kita.


Ayoko kasing bumanggit ng mga pangalan sa Blog na ito. Pero kung sakaling mabasa mo ito, alam kong alam mong ikaw ang tinutukoy ko. 

Pinilit naman nating muling buuin ang ating  pagkakaibigan e. 


Naisip ko panget rin tignan kung patuloy nating niloloko ang isa't isa, ayoko ng makipagplastikan pa. Kahit anong gawin natin, hindi na natin kaya pang muling ibalik ang ating samahan noon.

Tapos ka na 'sakin. Tapos na ko sayo. Hanggang dito na lang talaga siguro tayo. Salamat. Pasensya.   Paalam. 




paalam aking kaibigan...