Huwebes, Pebrero 16, 2012

makikita nyo! HMP!

lagi na lang akong napag-iiwanan. nakakapanlumo na. nakakainis! di ko alam. di ko mawari. di ko lubos maisip na sa isang iglap mararamdaman ko ang sobrang kalungkutan sa buhay ko. kahapon kasi eh nakasama ko ang mga kaibigan ko. nakita ko yung iba yun pa rin. masaya pa rin. ung iba un pa rin ang boyfriend. ung iba nakarami na ng boyfriend. alam mo un? tapos ako WALA pa ring boyfriend. nakakainisssss :/

di ko tuloy mapigilang mag-self-pity, sinasabi ko sa sarili ko bakit ako walang syota? maganda naman DAW ako. matalino pa DAW. eh bakit ganun? wala namang nagkakagusto sa'kin?

tapos naisip ko meron naman. ang kaso AYAW ko sa kanila. wahaha. xD yan tuloy kung sinong gusto ayaw rin sakin. fair lang naman ata yun diba? hayy! ansaklap lungs >.<


may gusto naman talaga ko eh. si KRAS. e kaya lang naman ako sumama kahapon sa skul kasi kasali sya sa Mr. Campus. eh syempre kras ko di dapat lang na panoorin ko. Pero nung nalaman ko na yung partner nya na taga-amin din ay nililigawan nya nasabi ko "sana di na lang pala ako nanood. para di ko nalaman un. at para di ako nasaktan :-( " ang sakit kasi.

alam mo kasi niligawan ako nun nung buwan pa ng Mayo. Sabi ko naman kasi nun di pa ko handa. Magpapaganda muna ko. imamature ko muna sarili ko. Naghintay naman ata siya. Pero ako naman ang nagsyota. wahaha xD ee kasi nga maganda ako po! 

tapos yown. nanligaw ulit. ee kasi para sakin ayaw ko naman na sya gwapo tapos ako nakikita ko sa sarili ko ampanget ko para sa kanya. di yun. 


nung nasa Cavite ako nun, nagpataba ako. nagpahaba ng buhok. nagpaputi dahil sabi ko pag-uwi ko sasagutin ko na sya. katext ko sya lagi nun, nagpupuyatan pa nga kami e. 

eh eto naman kasing tatay ko namatay agad eh. di man lang hinintay ung pag-uwi ko, tskkk :'( 

di biglaan ang uwi ko nun. tapos nung January1, pumunta si kras  sa aming bahay. tapos nag Hi sya. tapos yun. tapos parang nagpaparamdam ulit. tapos un. syempre di naman ako pwedeng magpalandi kasi nga namatayan kami e diba? alangan naman unahin ko ang kalandian ko ? HMP!

sabi ko nun sa sarili ko SIGURADO na ko sa lalaking to. sa Birthday nya sasagutin ko na sya.

tengene nemen e. Kung kailan handa na ko saka naman sya tumigil sa pagpapakita ng motibo na gusto nya ko. buset lungs.

eh di yun. broken hearted na naman ako, pero di naman  kami naging haha.


sabi ko na naman sa sarili ko susuko na ko. ayoko na sya. pero dapat mas lalo akong magpaganda para magsisi sya.


wahaha! tapos nung February 11, di sinasadyang makilala ako ng papa at mama nya. kasi nung 10 birthday nya yown. sabi ba naman ng tatay nya e mamanugangin nya ko. sabi pa ng mama nya maganda daw ako yeeee!

alam mo ung feeling na tanggap na tanggap ka na ng mga magulang nya pero ung anak nila di ka man lang parang kilala. badtrip e no?

tapos ano nagtext sya ang tawagan kasi namin e BEBE haha. basta nagtext sya kinukumusta ako.



Tapos kahapon ko nga lang nalaman na nagkakamabutihan na pala sila ni ano na taga dito sa amin lang din. 

ansaklap men!! :'(


eh un todo-emote na naman ako.

eh syempre move on ulit.

ngapala nakita ko rin ung gagaloo ko kahapon . yun pa rin naman. alam ko like nya pa rin ako kasi tingin sya ng tingin haha. wag sya dahil ayaw ko na sya.

JOKE! gusto ko pa sya. pero not that much haha. onti na lungs. 

nagpaparamdam nga uli e. kaso pag naging kami ulit ako na naman lang lagi ang magmamahal. ang uunawa, ang magbibigay. ang hihinge ng kapatawaran tapos sa huli sya din ang mang-iiwan. ayoko naman ng ganun :'(


naiingget lang talaga ako sa kaibigan kong si watit kasi may boyfriend na sya. grabe ah. so sweet nila. as in. super. naiingget ako ;/ wahhh!


tanong ko nga kailan kaya ako magkakaboyfriend ng parang ganun. yung lalaking sweet. na di ka ikahihiya. imposible na ata yun e. pero note to self # keepyourhopesUP.


hahaha. malungkot ako. pero di naman ibig sabihin na kailangan ko ng lalaki para sumaya. 

ayokong humiling sa Diyos ng lalaking magmamahal sa kin. tapos kapag saktan  ako ng lalaking katuparan ng hiling ko sisisihin ko ang Diyos. In the first place ako naman ang humiling diba? tsaka pag nagmahal naman talaga kasama na ang masaktan. yun yun eh !! wahahaa xD


madrama ako.

e basta maghihintay ako. balang araw sila rin ang maiingget. 

sa ganda ko ba namang to eh. wahehe xD