Martes, Pebrero 28, 2012

diaries!

“It's the good girls who keep diaries; the bad girls never have the time.”



totoo yang saying na yan!haha xD good girl kasi ako. i always make time to write in my diary. basta mahilig akong magsulat sulat esp. if inlove ako! syempre nakatatamad naman kung nagsusulat ka tapos di ka inspirado no, hehe ;) believe it or not pag ako inlove kaya kong magdiary hanggang alas tres ng madaling araw, yerayt! 

kaya ko lang naman naisipang magsulat about diaries dahil kinalkal ko yung maleta ko kanina. binasa ko, lahat. at naiyak ako. alam mo kasi ansama ko pala. kasi may mga nabasa ako na masasama. as in pag may nakabasa nun mapapatay ako. 


tungkol 'to sa tatay ko, hindi kasi kami close. wala ayaw ko ng alalahanin pa ung mga times na binabastos ko sya, sinusuway, inaaway, sinisigawan. sabi nga diba nasa huli ung pagsisisi, SORRY TAY! i know it's too late kahit pa anong sabihin ko, di ko na mabubura ung nakaraan. 


kasi may nabasa ako kanina na nakapanlulumo, nag-away kasi kami ng tatay ko nun tapos sabi ko sa diary " sana ganto ganyan! i hate you!!! >.< " tapos naiiyak ako talaga, kasi 2 months ng wala si tatay ngayon, parang kelan lang. mostly kasi ung laman ng diary ko si tatay. kaya naaalala ko sya pag naririnig ko yung word na diary.

tapos yun. pero hindi lang naman si tatay yung laman ng diary ko no? haha! syempre may iba din. karamihan dun BOYS! oo ewan ko ba bat ang hilig ko sa lalaki. pero pag nanligaw naman sila ayaw ko na. hehe!!


I had my first diary when i was in first year high school! haha. natatawa ako na kinikilig habang sinusulat ko 'to ngayon kase puro si Clarence Gamit laman non!! haha. First Love ko yun. syempre lahat ng nangyayari araw araw sa room namin non kinukwento ko, especially nung pumunta kami sa bundok nila Clarence. haha!!


my first date ever! that was August 17,2007 (Friday, 1:00 PM) haha. kabisado ko kasee memorable naman talaga yun ee. haha. alam mo ba kung anong nangyare dun? 

pumunta kami sa bundok, madami kami..,pero kami ung pair na nasa second to the last ni Gamit! ung last na tao dun  si Albert Darilay, classmate namin sya nun, pero fourth year palang uli sya ngaun haha!!



yun. magkasama kami ni Gamit all the way. tapos dun nabuo yung loveteam daw namin na SHAiRENCE! wahaha. *blushes*


basta. lahat andun na sa diary kong yun. mula sa pagkakamabutihan namin ni gamit hanggang sa pagkakalabuan, selos, tampo, kopyahan, halikan? CHAR! joke lang haha!! naalala ko nun quiz namin ng ibong adarna sa filipino subject kay mam tado tapos sya ung nagcheck ng quiz notebook ko, tapos ayaw naman na nya ibalik eh nag counter clockwise na tapos magkaharap lang kasi kami tapos sabi ba naman nya e, kiss ko daw muna sya!!!!!!!!!! waaaaaaaa!!


pero hindi ko naman hinalikan no. LUL! i would love too. pero syempre bata pa ko noon. haha. 

tapos yun. yung diary kong yun, nung napuno na wala ng masusulatang space, tinago ko sa baba ng computer cabinet namin. tinatago ko yun sa ate ko. akalain mo naglinis sya ng bahay nakita nya yung diary ko.yun nabasa at nagsumbong at pinahiya ako! LUL! haha. pero okay lang naman sakin yun ngayon pero noon syempre takot ako kasi nga im too young for  those matters. hehe.


tapos sinunog ko na lang sya. :'(


my second diary syempre nung second year naman. haha. wala na si Gamit non, kaya puro Jessie Ocampo na. hahaha. sya yung naging crush ko for almost three years until now meron pa rin, slight na nga lang haha!!


ayaw ko syang ikwento. BITTER ako sa kanya ee. hehe. basta!!

tapos madami pa kong diary pero ung mga naitago ko na nga lang si Kitty [ diary ko nung third year, tapos ung diary ko nung 2011 si Tweety ] ung diary ko kasi nung fourth year ako nabigay ko sa X ko ee. haha. ewan ko kung nasan na yown. actually ewan ko kung nasan na sila haha :D


yeah! my names talaga mga diary ko haha.

ung last kong sulat kay tweety eh nung December 28, 2011, kamatayan ni Tatay. tapos ewan ko ba di na ko sinipag magsulat. kaya nakatago na lang sila. pati si Astro ung diary kong journal haha.. basta its not as much as diary kasi ang diary sayo lang pero ang journal pwede mong ishare sa iba so okay, astro is a Journal! haha.




yun. wish ko ngayon sana MAiNLOVE na ko para makadiary na ko. kasi sayang naman! haha :DDD

 astro

tweety

tweety
[ zoom mo tignan mo yung time alas tres!]


Kdot. Bye!

Linggo, Pebrero 26, 2012

natotorpe din ako no..

nahihiya akoooooo! hahaha. e kasi baka malaman nya na gunun ganito tapos maturn off sya. layuan nya ako. iwasan. LOL. ahaha. :D

ewan!  bangag!! iba na 'to tol. mahal na ata kita.

wahhhhh! sorry ha? ahaha. di ko na to kaya e. 

natatakot ako, >.<

hahaha. xD


kasiii mabainakk! 


im just afraid to know what will be your reaction.


nahihiya akong magtapat e. alam ko wala kong hiya pero bat ganun? bat ganito? ahaha. 


♪ kulang ako kung wala ka. di ako mabubuo kung di kita kasama. nasanay na ako, na lagi kang nariyan, di ko kayang mag-isa, puso ay pagbigyan, kulang ako, kulang ako kung wala ka.  ♪



i LOVE u!


PS. wag kang assuming. di ikaw ang pinatatamaan ko! haha.




Biyernes, Pebrero 24, 2012

:D


Not every girl wants to be in a relationship. Some just want good company, a guy to vibe with, converse with, & laugh with. Not in a rush. Start off simple, and let the rest find itself. Having someone to talk to and feeling comfortable around them is quite beautiful, and it’s a good feeling. ♥

Miyerkules, Pebrero 22, 2012

THiS iS ME o_________O
















I COULD NAME A BILLION THINGS WRONG WITH ME, AND SO CAN YOU.
BUT TELL ME, HOW IS POINTING OUT MY FLAWS, MAKING YOU FLAWLESS?






Martes, Pebrero 21, 2012


“Nasasaktan ka kasi may mahal siyang iba? Di mo ba naiisip na nasasaktan ako kasi mahal mo siya?” :’( 

Lunes, Pebrero 20, 2012


kahit ano pang maging itsura ko, para sakin maganda pa rin ako
I am beautiful
                                       No matter what they say
                                       Words can't bring me down
                                                     Oh no..
                                               I am beautiful
                                             In every single way
                                      Yes words can't bring me down
                                                    Oh no....
                               So don't you bring me down today




                                           

ang sakit sakit na!



 " NASA TABI NA KITA PERO BAKIT PARANG ANG LAYO MO PARIN?  GUSTONG GUSTO KONG SABIHIN SAYO NA “HOY GAGO! MAHAL KITA KAHIT ANG MANHID MANHID MO!” PERO WALA. DUWAG AKO. NATATAKOT AKO. DI KO MASABI. GUSTO KONG SABIHIN SAYO YUNG MGA BAGAY NA NAKAKASAKIT SAKIN PERO HINDI KO MAGAWA DAHIL NATATAKOT AKONG MALAMAN ANG TOTOO. NATATAKOT AKO SA ISASAGOT MO. ANG LAKAS NG TIBOK NG PUSO KO PAG KATABI KITA. PAG INAASAR MOKO, KINIKILIG AKO. DI KO MAIWASANG ISIPIN NA… “SANA TAYO NALANG.” SANA BALANG ARAW MASABI KO SAYO NA MAHAL KITANG SIRA ULO KA. MAHAL KITA! MAHAL KITA! MAHAL KITA! MAHAL KITA! MAHAL KITA! MAHAL KITA!!!!!!!"

friends forever- forever friends :)


( picture-taking a week before graduation)




Can you imagine that? It's been a year since I graduated from high school and yes I really miss the fun, excitement, true bonding with my girlfriends (GF's), the sleepovers, and many things about it. Not only that I also miss my friends, whom I haven't seen for a long time.


When I was in my elementary and about to graduate,I told my sister I'll surely miss that six years and told her that I never felt happier on that years of spending. But she contradicted it and said High School is much happier. I was skeptical of course at first. I said "Okay. let's see."

There, high school came, and my sister was right! Compare to college and elementary life, high school is really different. For four years of spending it, it's like you'll carry all those memories for a lifetime.


I remember to have so many CRUSHES! Gained FRiENDS, also have ENEMiES. I also learned to appreciate a lot of things. Not to forget different kind of TEACHERS. Their never ending mood swings are so hard to handle.

  FRiENDS FOREVER YELLOW SHIRT!

Our batch is one of the COOLEST BATCHES of all. I remember third year and fourth year when our class was sent to the Principal's Office and was confronted by the teachers. Also, there was a time when our adviser( Ma'am Grace ) cried in front of us.


OH MY! It's been a year but still fresh on my memory. Of course we often see each other during summer, and other occasions, but some of us went to different places (including me). But even if we are in different paths, we still manage to communicate.


February 17, 2012 ( friends forever 1st reunion )



I'm proud of my classmates, also friends because they are the COOLEST EVER!
We never want to break the bond, so every year, we see to it that we have a reunion! Some may find it boring, but for me, it's time to reminisce and make the bond stronger. 






                                                                                       ~shaichiakinto.blogspot.com 





kasalanan ko pa ba?

*shouts: ee kaseeee!* di ko naman to ginusto no? haha. ee kasiiiiii! inlove na ko! hahaha. di ko alam kung pano basta kagabi naisip ko inlove na ba ko? tapos yun.. lahhh! goshhhh! inlove na nga ako! :)) wahaha. xDD


pero kasi inlove ako sa boyfriend ng bestfriend ko. hehe. ang cheeeekeeee! ee kasi naman kung ano anong sinasabi nya.tapos ung mga ginawa ko sa kanya dati pinapaalala nya pa. bat ganun? tapos kung ano ano sinasabi nya na nakakakilig naman para sakin though i know pag nagbreak sila ng bestfriend ko kasalanan ko din! 

mapipili ko ba kung sino ang dapat kong mahalin? di naman diba? tsaka di naman siguro sya maghahanap ng ibang pagmamahal kung hindi nagkukulang yung kasalukuyan nyang girlfriend e diba? diba? diba?


tsaka eto pa, naiinlove na rin ako sa X nang isa ko ring bestfriend. ang gulo! grabee. ehh syempre di naman imposible na gumaan loob ko sa kanya lagi kaming nagchachat nagkakamustahan, tapos nga kasi ung status nya haha. ewan. oo i admit kinikilig ako hhaha. ammaat ko!


bakit pa kasi sila naugnay sa mga bestfriends ko? ayaw ko naman isipin na nang-aahas ako or what basta ang akin lang inlove ako.

basta. inlove ako sa kanila ♥. 

kainis ka !!


we fell inlove with the same guy.

hahaha! natatawa talaga ako bago ko pa man isulat eto.. ee kasi naman hindi ko sure kung tama bang ikwento ko 'to.. [ woahhh! as if naman may magbabasa! ] pero just for fun sige na nga, I will.

CHAPTER I - [ kelangan talagang maglagay ng mga chapter ee kasi medyo mahaba ng konti wahaha :D ]



third year kami ng makilala naman si Jackson Jordan, JJ for short ( ang chiqui ng name no? wahaha xDD, pero di totoong pangalan syempre. ) transferee galing sa Q.C. malinis, mabango, may kaya, at dahil siguro sabik kami sa bagong mukha nung mga panahong iyon ee sasabihin na namang gwapo sya ^-^
Naalala ko pa nung first day nya hinihiling namin na sana isa samin makatabi nya. pero dahil may vacant seat kay 02.06.94( ayoko kasing magnames dito sa blog ko diba? kaya hanapin nyo na lang sa FB kung sino yang mga may birthday nyang mga dates na yan..wahaha--yan ay kung interesado lang naman kayo)siya yung nakatabi nya. pero ung nasa harap ayy ako at si 04.24.95.magkatabi kasi kami wahaha xDD


I admit nung first meeting namin with him , there are plans running on to our minds kung ano man ung mga un well siguro alam mo na un. hehe :3 ayyy syempre sabik kami sa lalaki nun may mga nagtempt magpapansin kaagad. si 08.11.94 ang una nyanag nakaclose. sabi nila mabait naman daw si JJ. tsaka may honor daw.  kasi sa amain  pag ang transferee may honor dapat kaming maging aware for us to know kung matatalo nya ba kami or not..


As i said earlier, dahil sa sabik kami sa lalaki, one of my bestfriend, admitted that crush nya na si JJ. ( agad agad teh? ) haha. Uso pa kasi nun  ung slamnote/slambook/autograph book haha. whatever basta uso ung mga ganung bagay nuon tapos sya laging pinapasagutan ng ganun.. tapos eto namang si 05.13.94 talagang minemorize agad kung san sya galing, san sya kasalukuyang nakatira, at syempre minemorize agad ung number.. naalala ko pa nga gumawa sya ng slumnote sa blackboard sila ni JJ. en ow em!! Talagang memorize nya lahat ng info's about him.. Ganun sya kasabik sa lalaki..




CHAPTER II

Days passed by and my relationship with JJ as a friend bacame stronger ( weh?! ) may service kasi sila non, eh nadadaanan ko din ung place where in naghihintay yung driver nila so nagsasabay din kaming maglakad minsan..kaya i have my chance to ask him who he really likes.. tapos inamin nya si 09.24.94 daw.. ( ow em! sa dami ng babae bat sya pa? )


bilang tsismosa, kwento there, balita here, tsismis everywhere. syempre kumalat agad ung balitang nakalap ko, wahaha. at eto namang si 09.24.94 feel na feel nya naman!  kalurkey!


tapos yun medyo di ko na maalala mga kaganapan noon. haha. alam mo naman may pinagkakaabalahan akong bata noon.. si DD. di ko nga rin alam kung bakit ako nalink kay JJ ehh. Tapos bigla bigla kami na pala. to be honest i really dont know kung paano yun nangyare.. ang alam ko lang is dahil sa butterflt tree leaves. ( tanga ko no? di may alam din ako. haha ) magkapartner kasi kami non sa chemistry, naalala ko pa libing non ni cory aquino.umuulan pa non wahaha. tapos di namin mahanap hanap ung punong yun. ee un binabalitaan ko sya using popoy's number e kasi wala pa ko cellpone nun..



 tapos nagtext sya sabi nya eh " ano na? " sabi ko naman as a joker " tayo na :) " ang tanga naniwala... tapos di ko naman akalain na dahil sa joke na yun e magiging kami.  E diba nga bespren ko si 05.13.94 natural lang na magalit sya. sya ba naman ang patay na patay sa lalaking yun e. tapos yun nga. nagulat pa ko kami naman na palang talaga.. buwisit ka JJ, kung nakamamatay lang ang katangahan matagal ka ng kalansay. :p



CHAPTER III

hindi ko naman kasi balak na mag-away kami ni 05.13.94.  at lalong hindi ko plinanong magboyfriend ng gaya ni JJ. ( over my sexy body! :D ) pero niloko tayo ng tadhana e. unti unti namamalayan ko he's all i think about. LOL.. corneeeee ko sheeeeeeeeeeeet :/ wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!


un. di na ko pinapansin ni 05.13.94 that time.. If i remember it right naririnig ko na they're calling me ' snake'. basta ganun. tapos un. syempre i dont wanna lose our friendship naman dahil lang sa lalaki no? un. i said my apologies to her. and believe it or not it took so long para matanggap nya na ' inahas ' ko nga sya. wahaha :D


then nung tanggap na nya tanggap na rin nya kahit papano na kami na nga ni JJ. tumagal din naman kami kahit konti.. we have our date, snacks together. ( agitaket..) haha...

i thought at that time i finally found my prince already. eh syempre tumatagal na rin kami. we're getting to know more and more about each other each passing day.. but that was just a thought. because really, even in fairytales, " rivals do exist. "


Di ko kasi alam nun kung ano talagang nammaagitan kay JJ at 01.10.95 noon eh. hindi naman sa selosa ako. pero kung ikaw ba nakita mo syota mo laging kasama ibang babae tapos makita mo pa na ung babae hahalikan syota mo ano namang mararamdaman mo?oh diba? darating ka din sa puntong magsususpetsa at syempre maiinis. at dun ko tuluyang tinapos ang anumang namamagitan samin ni JJ. haha. basta ko na lang sya iniwasan.. di ko pinansin. di ko kinausap. parang walang nangyare. ganun na un. un. ganun na talaga un. at dun ko naramdaman ung feeling dati ni 05.13.94 na ' inahas ' ko sya,, dahil sa mga oras na yon, masasabi kong may " ahas " sa katauhan ni 01.10.95. ( peace :V )




CHAPTER IV


wahhhhhh! syempre mga baprens ko kuntodo bigay naman kuno para ayusin namin ni JJ ung relationSHIT namin. etong si 02.26.95 lagi talagang kinakausap si JJ kaysa sakin. pati si 04.24.95 dating walang alam sa pagaayos ng relationshit e nakikijoin na rin. eh syempre thats what friends are for e ^_~  di ko alam kung anong contribution nun ni 05.13.94 ee. haha :D


tapos i remember one time, pauwi na ko nun. tapos bigla na lang hinahabol ako nila 08.11.94, 10.26.94 at 09.25.93 together with JJ. DAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! eh sobra sobrang irritated ako nun kay JJ. masyado na syang malungkutin, haggard na sya, naadik sa DoTA. dumami pimples. bumaba mga grades nya. basta.. naging passive sya. tapos yun.. tinakbuhan ko sila.. as in. napakabilis na takbo na halos hingalin ako.



tumagal din naman ung pagiging ganon ni JJ. tapos isang araw nagulat ako as in .. tapos sila na pala ni 12.03.94.. hahaha.. IMBA naman tong lalaking 'to.ang cheeekeee no? lagi ko silang nakikita non sa elementary stage naghaharutan habang nagchechess. tapos pag tanghali pag papasok na ko sa room namin lagi ko silang nakikita.. si girl nakahiga s ahita netong si JJ.  so annoying. not just for me but to anyone who will see them in that position. [ eeeeew !! ] ahaha. nagseselos ako?? hindi ahh, natatawa pa nga ako ee.  kasi pinagpalit nya ko sa ganun wahaha.. ang ganda ko kaya... charot. :D


di ko alam kung hanggang kailan nagtagal ung relation nila. pero nung tinanong ko sya nung fourth year na kami aba i-deny ba naman na hindi sila naging! sa lagay na yun hindi pa sila naging ahh? pano na pala kaya kung naging sila? lagi silang mag-kakang-kangan? wahaha. sorry for the word ahh. naiinis kasi ako! haha.though i kn ow past is pat hindi pa rin maiiwasan na alalahanin to kasi past brings us to the present and will eventually bring us to future.! wahhhh!!! english! *nosebleeds*



CHAPTER V

di na ko masyadong updated ee.. basta parang di ko na talaga sya pinapansin. tapos un. nasanay ako na parang di sya nag-e-exist! wahaha. tapos si 02.26.95 nalilink link din ata sa kanya pati si 10.26.94. basta nagiging close close sila..  tapos nung nag 4th year na nga kami naging besprens sila ni 10.30.94. bestfriends na halos maghalikan sa lapit ng mukha ng isa't isa..grabeng friendship ang nasa sa inyo ah! lentek! haha. i admit nagkaron na ko ng ibang boyfriend pero there's this feeling parin for him.. until now i guess kasi nga diba love does not fade naman. pwdeng mabawasan or madagdagan pero never yan mawawala diba?


tapos un.. tinutukso tukso namin  sila. hha.. syempre nakikisali ako.. sabi sabi ko pa 'uyyyyy! bagay!' haha.pero deep-inside 'grrrrR! tang-ina nyo!' wahaha. xDD ee kais na pa ka PDA nila. yoko ng ganun. bakit kami nga ni JJ naging pero never naman kaming nagganun! over ka teh ah.! pakyu! :))


tapos yun. may mga times na nagpapansinan din naman kami ni JJ. pag natotopak lang ako . haha. kasi kung nasa normal na pag.iisip ako bat ko naman sya papansinin diba? di sa pagiging bitter ahh. pero wala. ayaw ko syang kausap ni makita man lang.


tapos yun na! [ nauubusan ako ng words! wahaha ] kala namin non sila na ni 10.30.94 kasi nga may mga times na nag.aaway pa sila ng bf bya nun na si JP. dahil kay JJ. pero hindi naman daw sila naging. BESTFRiENDS lang daw talaga sila. hayy nako.


yun na yun!!


CHAPTER VI (last chapter na to ha? tinatamad na ko ehhh.)



kala ko nun si 10.30.94 na ang huling babae na maloloko netong si JJ. pero biruin mo nga naman ohh! pati tong si 04.24.95 niligawan! what the!?! hahaha. di kasi makwento si 04.24.95 kaya di ko alam ang tunay na kwento pero sabi nya kagabi niligawan sya ni JJ.

nasesense ko rin naman na gusto ng girl tong si JJ e. e siuro nahihiya lang pano ba naman kasi eh lagi namin silang tinutukso haha. guitarista kasi silang dalawa haha. e laging nagpapaturo si girl dito kay JJ. yun dahil dun  kaya siguro may nabuong something sa kanilang dalawa. ( uyyyy! )



walang araw na di namin sila tinukso. haha. ako naman kung magiging sila ni 04.24.95 okay lang sakin kaysa maging sila ni 10.30.94 hahaha. eh kasi kalaban ko yun.  pero naiisip siguro nun ng girl na tanggihan si JJ kasi nahihiya or nahihirapang magdecide. aba malay ko sa bruhang yun. masyado kasi syang malihim e . okay di nman siguro malihim, ayaw nya lang magkwento ng mga ganung bagay. kasi para sa kanya kacornihan lang ang pag.ibig!


hahaha.. natatawa talaga ako kasi andaming nalink dito kay JJ.

paa. check.-grabe ang ganda ng paa ng lalaking 'to.
kuko check.- squared nails ah.woah! kaingget.
balat.check. malinis kasi sya sa katawan.
pananamit.check.maporma din pero sa ngayon pag may lakad kaming D seniors laging un ang dinadamit nya wahaha..
ugali.check na check.-wala ka ng mahihiling pa sa lalaking to. sobrang bait talaga..
amoy.check-ambango ng lalaking to..nakaApensionado na sabi ni 02.06.94. haha.
pero nung tignan ko mukha! walastik.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.SHREK! wahaha XD



jokes lungs!





                                                                      

P.S. *all girls' birthdays are true. pakisearch na lang sa facebook.yun ay kung interesado kayo:) *



                                                                     -THE END-

Biyernes, Pebrero 17, 2012

bakit ba kasi ako nasasaktan ng ganito? hindi nga kami naging diba? lentek naman e. 

sige lang!

sige magpaselos kayo! buset kayo!

Layuan mo ako!

naiirita na 'ko sa kanya. kung dati pag nakikita ko sya kinikilig ako,ngayon hindi na. dahil nandidiri ako sa mga lalaking walang loyalty! at isa sya sa mga lalaking bwisit sa lipunan. di ko alam kung bakit ko to sinasabi kung galit ba talaga ko sa kanya o galit lang ako sa fact na hindi nya ko mahal. 


kasi naman bakit pa sya dumating sa buhay ko? para saktan ako? para paniwalain ako sa kasinungalingan nya?
bakit ba kasi ha? hindi naman kita inaano ahhh. bakit ba di ka nagsasawang saktan ako. bakit mo ba ko pinapaselos ha? ang loyal ko naman sayo eh. bat ka ba kasi ganyan ha?  tanga ba ko dahil minamahal pa rin kita o tanga ka dahil di mo nakikita na mahal kita? anu ba talaga?

naiinis ako sayo. ayaw kitang makita. ayaw kitang maamoy! AYAW NA KiTA! :@


Huwebes, Pebrero 16, 2012

makikita nyo! HMP!

lagi na lang akong napag-iiwanan. nakakapanlumo na. nakakainis! di ko alam. di ko mawari. di ko lubos maisip na sa isang iglap mararamdaman ko ang sobrang kalungkutan sa buhay ko. kahapon kasi eh nakasama ko ang mga kaibigan ko. nakita ko yung iba yun pa rin. masaya pa rin. ung iba un pa rin ang boyfriend. ung iba nakarami na ng boyfriend. alam mo un? tapos ako WALA pa ring boyfriend. nakakainisssss :/

di ko tuloy mapigilang mag-self-pity, sinasabi ko sa sarili ko bakit ako walang syota? maganda naman DAW ako. matalino pa DAW. eh bakit ganun? wala namang nagkakagusto sa'kin?

tapos naisip ko meron naman. ang kaso AYAW ko sa kanila. wahaha. xD yan tuloy kung sinong gusto ayaw rin sakin. fair lang naman ata yun diba? hayy! ansaklap lungs >.<


may gusto naman talaga ko eh. si KRAS. e kaya lang naman ako sumama kahapon sa skul kasi kasali sya sa Mr. Campus. eh syempre kras ko di dapat lang na panoorin ko. Pero nung nalaman ko na yung partner nya na taga-amin din ay nililigawan nya nasabi ko "sana di na lang pala ako nanood. para di ko nalaman un. at para di ako nasaktan :-( " ang sakit kasi.

alam mo kasi niligawan ako nun nung buwan pa ng Mayo. Sabi ko naman kasi nun di pa ko handa. Magpapaganda muna ko. imamature ko muna sarili ko. Naghintay naman ata siya. Pero ako naman ang nagsyota. wahaha xD ee kasi nga maganda ako po! 

tapos yown. nanligaw ulit. ee kasi para sakin ayaw ko naman na sya gwapo tapos ako nakikita ko sa sarili ko ampanget ko para sa kanya. di yun. 


nung nasa Cavite ako nun, nagpataba ako. nagpahaba ng buhok. nagpaputi dahil sabi ko pag-uwi ko sasagutin ko na sya. katext ko sya lagi nun, nagpupuyatan pa nga kami e. 

eh eto naman kasing tatay ko namatay agad eh. di man lang hinintay ung pag-uwi ko, tskkk :'( 

di biglaan ang uwi ko nun. tapos nung January1, pumunta si kras  sa aming bahay. tapos nag Hi sya. tapos yun. tapos parang nagpaparamdam ulit. tapos un. syempre di naman ako pwedeng magpalandi kasi nga namatayan kami e diba? alangan naman unahin ko ang kalandian ko ? HMP!

sabi ko nun sa sarili ko SIGURADO na ko sa lalaking to. sa Birthday nya sasagutin ko na sya.

tengene nemen e. Kung kailan handa na ko saka naman sya tumigil sa pagpapakita ng motibo na gusto nya ko. buset lungs.

eh di yun. broken hearted na naman ako, pero di naman  kami naging haha.


sabi ko na naman sa sarili ko susuko na ko. ayoko na sya. pero dapat mas lalo akong magpaganda para magsisi sya.


wahaha! tapos nung February 11, di sinasadyang makilala ako ng papa at mama nya. kasi nung 10 birthday nya yown. sabi ba naman ng tatay nya e mamanugangin nya ko. sabi pa ng mama nya maganda daw ako yeeee!

alam mo ung feeling na tanggap na tanggap ka na ng mga magulang nya pero ung anak nila di ka man lang parang kilala. badtrip e no?

tapos ano nagtext sya ang tawagan kasi namin e BEBE haha. basta nagtext sya kinukumusta ako.



Tapos kahapon ko nga lang nalaman na nagkakamabutihan na pala sila ni ano na taga dito sa amin lang din. 

ansaklap men!! :'(


eh un todo-emote na naman ako.

eh syempre move on ulit.

ngapala nakita ko rin ung gagaloo ko kahapon . yun pa rin naman. alam ko like nya pa rin ako kasi tingin sya ng tingin haha. wag sya dahil ayaw ko na sya.

JOKE! gusto ko pa sya. pero not that much haha. onti na lungs. 

nagpaparamdam nga uli e. kaso pag naging kami ulit ako na naman lang lagi ang magmamahal. ang uunawa, ang magbibigay. ang hihinge ng kapatawaran tapos sa huli sya din ang mang-iiwan. ayoko naman ng ganun :'(


naiingget lang talaga ako sa kaibigan kong si watit kasi may boyfriend na sya. grabe ah. so sweet nila. as in. super. naiingget ako ;/ wahhh!


tanong ko nga kailan kaya ako magkakaboyfriend ng parang ganun. yung lalaking sweet. na di ka ikahihiya. imposible na ata yun e. pero note to self # keepyourhopesUP.


hahaha. malungkot ako. pero di naman ibig sabihin na kailangan ko ng lalaki para sumaya. 

ayokong humiling sa Diyos ng lalaking magmamahal sa kin. tapos kapag saktan  ako ng lalaking katuparan ng hiling ko sisisihin ko ang Diyos. In the first place ako naman ang humiling diba? tsaka pag nagmahal naman talaga kasama na ang masaktan. yun yun eh !! wahahaa xD


madrama ako.

e basta maghihintay ako. balang araw sila rin ang maiingget. 

sa ganda ko ba namang to eh. wahehe xD


Miyerkules, Pebrero 15, 2012

talagang ganyan ang buhay kaibigan...

Ang lahat ay nagbabago. Tao man, bagay man, pangyayari, LAHAT! Maging ako. At kahit ikaw. 

masakit lang isipin na sa mga nagbagong yun ay napasama ka. aking pinakamamahal na kaibigan. Parang kailan lang ng magkasama tayong namamasyal sa kung saan saan. hawak ko ang iyong kamay, at hawak mo ang akin. sabay tayong kumain ng turo turo sa daan. Namimili ng mga kahit ano basta magkapareho tayo. naliligo tayo sa dagat kahit halos bumagyo na. Kumakanta tayo ng malakas kahit pinagtatawanan tayo ng maraming tao. Mahilig tayong maglitrato kahit sa gitna ng kalsada. Nagreregaluhan pag sumasapit ang ating kaarawan. Nasanay tayo na tayo lang. 


Grade four tayo nun ng unang maging close. Magkatabi tayo. Natatandaan mo pa ba tayo lang yata ang hindi nagsusulat. dahil habang nagtuturo ang ating guro yun tayo at nanunukso ng kahit sino. tinatawanan ang mga walang kabuluhang bagay, pinoproblema ang hindi naman talaga dapat problemahin. Natatandaan mo pa ba nung nadengue ka? Wala kong kakampi nun, hinintay ko ang iyong paggaling at ang iyong pagbabalik. AT salamat sa Diyos bumalik ka na Okay na ang lahat. 


Lagi pa nga kong nakikikain sa bahay nyo e diba? Kilala ako ng nanay, tatay, kuya, at kapatid mo. At kilala ka rin ng buong angkan ko. 

Sa tuwing may galaan, ipinagpapaalam kita sa nanay mo para di ka mapagalitan. dahil ang sabi mo basta ako ang kasama mo hinding hindi sila magagalit.


MISS NA KITA. 

Halos walong taon din tayong magkasama. Sa walong taon na yun wala kong pinagsisihan.  

Natatandaan mo pa ba nung nag high school na tayo? May crush ako. Super crush ko talaga. Tapos nalaman ko ikaw pala ang gusto. saklap! pero ayos lang sakin yun dahil tunay nga namang mas maganda ka sakin.


Pero ako ata ang unang nagkaboyfriend. diba? at saksi ka sa pag.iibigan naming KALOKOHAN na halos dalawang linggo lang ang itinagal. Ikaw ang pinagsasabihan ko lahat ng lihim ko. Tinatawanan mo lang ang boypren ko nun. dahil tunay nga namang nakakatawa! [hahaha] Biruin mo kabinatang tao pero ung tsinelas ee napipigtas pa rin! sabi mo pa nga pag nagmonthsary kami regaluhan ko ng RAMBO! haha. patawa ka talaga!! :)


Tapos ikaw naman. Turn mo na para magsyota. Sinasamahan pa kita non na pumunta sa bahay ng boypren mo. kahit napakalayo pa man. Gaya ng ginawa mo dati sa syota ko, TINATAWANAN ko lang din ang syota mo dahil napakatapang!

kung sino sino na lang pinapatulan natin e noh?

Okay lang iyon! Nagmahal tayo e.


Tas nung 2nd year high school ata tayo nun nung birthday mo, tas tinawag pa kita sa likod ng room naten para ibigay ko yung regalo ko, feeling ko kasi nun napakalaking bagay na ang maregaluhan ka ng mickey mouse na panyo wahaha! ang cheap no? Tas ikaw naman na inosente tuwang tuwa ka pa haha. Mga simpleng bagay na nakakadulot ng kaligayahan sa'tin.


Sariwa pa rin sa ' king ala-ala nung una tayong nagcomputer kila Anti Audet. Kandong mo'ko. Wala tayong alam nun  sa computer. Puro ka justin bieber at ako naman Luis manzano. Hanggang sa natutu tayong magcomputer at tuluyang na.addict. Tuwing  Biyernes pumupunta tayo dun para magcomputer. Youtube dito. Facebook jan. Hahaha!!!

 Lagi tayong gabi kung umuwi nuon dahil nakikinuod tayo ng high school musical. Nakikikain rin tayo kahit ang ulam e sardinas. 



Tapos nag 4th year na tayo. Iba iba na ang grupong ating sinasamahan. Nainis ako sayo. Nainis ka sakin. Nagkainisan tayo. Pero sa huli nagbabati rin tayo. Nagkaboyfriend ulit tayo. haha. Tanda mo pa? Ung boyfriend natin nung fourth year eh magbestfriend din? Coincidence neh? hehehe :D


Tapos nainlove ako sa hindi masyadong diretso. Tinatawanan mo ko at tinutukso. Pero sa bandang huli tinanggap mo rin na nagmahal ako sa isang gaya nya.


Akala ko nung grumadweyt tao dun na ang katapusan ng lahat. Pero hindi pa pala. Dahil sabay pa rin tayong nag.enroll nung college. Magkaiba man ng course lagi pa rin tayong magkasama. Gumagala pa rin yao lagi! at lagi akong napapagalitan sa kadahilanang hinahatid muna kita sa bahay nyo bago ako dumiretso sa bahay namin. 


May boyfriend ka na namang bago tapos ako di pa rin nakamove on kay ano. Haha! Ikaw na teh! The best ka. 

Tapos may nanligaw na sakin ! Yay! Finally!!! tapos pinakilala ko sa'yo. Tapos kinilatis mo. tinukso mo. Pero Okay nga lang sakin diba? :)



hanggang sa isang araw, huling araw ko sa la union nuon bago ako lumuwas papuntang maynila, nagkakayayaan tayo, Kasama siya. AT ang bespren ko rin na pinsan Niya. 


Di ko inakala, na doon magbabago ang lahat. 
di ko alam na yun na pala ang katapusan ng ating samahan.
di ko man lang inisip na mangyayari ang isang bagay na makapagbabago ng lahat.



Sa isang iglap, nawala ang lahat ;'(



Ayoko ng sabihin kung ano yung nangyare. Ayaw ko ng balikan ang nakaraan. Ayaw kong muling pumasok sa isip ko ang nagawa mo, Dahil mahal pa rin  kita.


Ayoko kasing bumanggit ng mga pangalan sa Blog na ito. Pero kung sakaling mabasa mo ito, alam kong alam mong ikaw ang tinutukoy ko. 

Pinilit naman nating muling buuin ang ating  pagkakaibigan e. 


Naisip ko panget rin tignan kung patuloy nating niloloko ang isa't isa, ayoko ng makipagplastikan pa. Kahit anong gawin natin, hindi na natin kaya pang muling ibalik ang ating samahan noon.

Tapos ka na 'sakin. Tapos na ko sayo. Hanggang dito na lang talaga siguro tayo. Salamat. Pasensya.   Paalam. 




paalam aking kaibigan...