Biyernes, Marso 29, 2013

Isang taon na pala..

Naalala ko lang naman. Semana santa kasi. One year ago ulet, semana santa din, haha! kasi last year, magkasama tayo. Ngayon? HINDI NA! Last year, nagsisimula palang tayo ng mga panahong ito. Actually, ngayong araw na 'to tayo NAGING. Ang galing 'no? Noon, mahal mo pa 'ko. Ngayon, hindi mo na 'ko kilala.

Sabado de Gloria na mamaya.

Akalain mo yun?

Nung nakaraang araw, magkatext tayo. Tinanong ko kung saan kayo maliligo. At ang sabi mo, syempre sa dati. HINDI MO NA BA NAALALA NA KASAMA DIN AKO SA DATING TINUTUKOY MO?

Ganon na lang ba kadali sa'yong MAKALIMUTAN ako?

Last black saturday...

Pinilit-pilit mo pa akong pumunta sa inyo kasi sabi mo hindi makukumpleto ang araw mo pag wala ako sa tabi mo. gabi na nung nagkita tayo nun syempre with friends.

Lasing ka pa nga nun diba?

Tapos halos ayaw kitang tabihan kasi nga nagsisimula palang tayo kaya medyo may ilangan pa.

Pero ikaw 'yung tipo ng lalaking nakakapagpaamo ng tupa.

Grabeng happiness last black saturday.

You made me feel loved.
You comforted me.
You made me the happiest girlfriend on Earth.

Maya-maya lang, sabado gloria na ulet.

Sana maging masaya ka.

Uh, napakahibang ko naman talaga oh, masaya ka naman na palang talaga.

Pasensya ka na, nagbabakasakali lang naman na malungkot ka na wala na 'ko sa'yo. hehe :-)

Sorry, naalala lang kasi ulit kita e.

Sige. Bye.