Tapos, nalaman ko, kaya daw sya hindi makakapunta kasi may nakabugbugan daw sya na taga-doon at baka daw sya'y resbakan pag makita nila sya.. Nung tinanong ko nnaman kung bakit sya nakipagbakbakan, dahil daw sa BABAE. Grabe no? Ansaket.
Ewan ko ba pero bakit sya ganun? Ganun na ba sya kadesperado para makipagbugbugan ng dahil lang sa babae o sadyang umiibig lang talaga sya sa babaeng yun?? Sabagay, MAGANDA eh.
Nasira na ung gabi ko sa nalaman ko, pero andun pa rin ung pag-asa ko na susulpot sya dahil alam nyang may isang ako na naghihintay sa kanya..
Ah, naisip ko. KILALA PA BA NYA AKO?
Lahat na ng bagay na tumatakbo sa isip ko eh nagiging negatibo na.. Insecure na 'ko sa lahat ng bagay.
Nag-seself-pity na 'ko.
Kelangan ba talagang maging maganda para magustuhan ka?
Kelangan ba ng maraming damit para mapansin ka?
Kelangan ba na malaki ang dede mo?
Bat ganun?
Ayokong lahatin lahat ng lalaki.
Balang-araw, sisipot din ang prince charming ko.. :)