Kasi ganun naman talaga. Bakit ba nanlalamig ang isang tao?
- May iba na.
- Hindi ka na mahal.
- Sawa na.
Kaya kapag kaya ka na niyang tiisin na hindi kausapin ng matagal, hindi pansinin kahit pareho kayong online, eh mag-isip isip ka na. Mahal ka pa ba niya? O hinihintay na lang niya na ikaw na mismo ang bumitaw sa kanya?
Mahirap nga naman kasi iwan ang isang taong alam mong mahal ka pa. Pero ano ba mas gugustuhin mo, yung kayo pa rin pero siya na lang ang nagmamahal, o yungwala na kayo pero at least wala ka nang nilolokong tao?
Mas ok na yung sabihin mo na sa kanya agad na wala ka nang nararamdaman para sa kanya kesa yung inuunti-unti mo pang ipamukha sa kanya na wala na siyang halaga. Kasi hindi mo alam kung gaano mo siya pinapatay sa
ginagawa mo. Makunsensya ka naman.
(Source: wishartsolove)