Lunes, Marso 19, 2012

boredom

andami ng naglipanang magsyota ngayon. nagulat nga ako ung kapitbahay namin grade 4 palang may syota na at magsi6 months na raw sila. waaaaaaa! ano namang mararmdaman ko? 18 na ko pero di pa ko nagkakaboypren. pano ba naman kasi wala namang nanliligaw na matino sa'kin. nasa tamang edad na ko, alam ko yan. pero para sa'kin di ko naman kailangang magsyota para sumaya e. aaminin ko naiinggit rin ako sa mga kaibigan ko pag may outing kasama nila mga boyprens/girlprens nila tas ako nasa tabi naka NGANGA! haha. ansaklap no? Sabi nila maganda naman daw ako hindi nga lang daw marunong mag-ayos. Matalino daw ako kaya sa sobrang talino naging psycho na'ko.

Sus. Eh bakit walang nanliligaw sa'kin?
Takot ba sila sa'kin dahil matangkad ako?
Takot ba sila kasi mataray at suplada ako?
Takot ba sila dahil congressman ang tatay ko?
haynaku! ewan ko ba sa kanila.

Ako nga pala si Gia Mondragon. second year college taking up Bachelor of Science in Tourism. Bagay daw kasi sakin yang course na yan. Bukod sa matangkad kasi ako e mahilig ako na magtour. Hindi naman sa pagmamayabang pero mayaman ang pamilyang kinabibilangan ko. Congressman si Papa at Teacher naman si Mama sa isang private school.Dalawa lang kaming magkapatid. My sister's name is Bea. I know it's lil weird biruin mo ang i-ikli ng mga pangalan namin tapos magkarhyme pa. Haha. Ewan ko ba kay Mama at Papa.

Magkasunod lang kaming pinanganak ni Bea. Im 18 and she's 17. First year college and taking up BSHRM. 

Very opposite kami ni Bea. She had her first boyfriend when she was only 2nd year high school. Bea's sexier than me. Bea's prettier than me. Bea's kinder than me. Bea's their favorite. 

Pero hindi naman ako naiinggit no? im way too mature to act immature.

Hindi na 'ko bata no?

pakialam ko naman kung sya lang lagi pinapansin. pinagmamalaki.
i don't care.

Eh ang akin lang naman okay na yung ganito.
para walang mag-expect sa'kin.


I had a lot of friends at school.
Im not that friendly enough pero pag may exams/ quizzes/etc ako takbuhan nila. yun. nagiging friends kami dahil dun.


1 week na lang, pasukan na. naku. excited na 'ko.
wala kasing magawa dito sa bahay e. ayoko naman magbakasyon ulit. iitim na naman ako ng bonggang bongga.
ewan ko ba parang may mangyayaring something this coming pasukan.
Kung anu man yun! Ewan. HAHAHA!

First Day of Class. Room 307. 

Mrs. Bantil : Okay Class. How's your vacation? Have you enjoyed?
Classmates: (kanya-kanyang satsat.) 

ako eto: NGANGA.

Mrs. Bantil continued talking..

: i just wanna say class that we have a transferee. from Lipa State University. He's a son of a Governor.  a very handsome guy. Okay. This is it. I want you to meet, Mr. Ivan Perillo.Mr. Perillo, feel free to introduce yourself.

Mr. Perillo: Thanks Ma'am. Hello Classmates. I am Ivan Perillo. 19. And i hope that i'll be friends with you. :-)

Mrs. Bantil: You may now sit Mr. Perillo. I can see a vacant seat sa tabi ni Ms. Mondragon. you can sit there.

*sus! nakatabi ko pa 'tong feeling gwapong kumag na 'to. BADTRiP!*

Eh di 'to katabi ko si Kumag. Mayabang pero in all fairness ahh. ambango nya. msasabi kong mahal ang perfume na gamit nya..


Ivan: Hi.
Ako: *dedma lang*
Ivan: Totoo pala ung sinasabi  nila na kung sino pang mga nerds, sila pang masusungit. HAHA!
Ako: *pasigaw* Tangina mo a. Excuse me. bago ka palang dito. anong karapatan mong husgahan ako? ha? kilala mo ba ko?
Ivan: Bakit? Kakilala kilala ka ba? HAHA!o com'on! kapal nam mukha ni nerd ohh!
AKO: *diko napigilang sampalin sya.*
Other classmates: *sigawan*
Ivan: waaaaaaaaaaaw! angas mo ahh..
Mrs. Bantil: what's the commotion all about?
Ivan: eto pong nerd mam e nanampal ng walang dahilan.
Ako: Ahhhhh! walang dahilan pala ang sabihan ako ng nerd na masungit ahh.
Ivan: ehh bakit totoo naman a.. Hindi ba classmates??? HHAHA!

At yun ang nangyari nung first class and first meeting ko with Mr. Ivan Perillo AKA KUMAG!

Umuwi ako sa bahay na dala pa rin ang kumukulong dugo sa kumag na yun.
sabihan ba naman akong nerd. para na rin nya kong tinawag na pangit.

*kRIiiIiIiIngggg! KriNnnnGggGg!*


nakakatamad naman pumasok ngayon! iniisip ko palang na makikita ko na naman ang Kumag na yun, sira na araw ko. bat pa kasi naging kaklase ko yun e.

Mama: 'nak baba na. handa nang almusal.
Ako: Opo Ma. Wait lang.

* sa dining room madalas kaming magkaharap harap nila mama, papa at bea.*

Bea: Ma..Pa. Meron po pala kaming fieldtrip. kaso sa Singapore po yun.
Mama: That's good. Kailan daw at ilang beses kang mawawala?
Bea: 2 weeks lang Ma for 50 thousand kasali na po dun ung hotel na tutuluyan namin. Papa??
Papa: oh?
Bea: Payag ka bang sumama ako?
Papa: Sure anak. 
Bea: thanks Ma. Pa. Iloveyoupo talaga.

Mama: Ikaw Gi. Musta naman skul mo?
Ako: Ok lng nmn ma. *pilit na smile.*
Papa: Dont you think iha, it's time for you to commit yourself to someone.
Ako: Pa naman.
Mama: Oo nga naman anak. Tignan mo si Bea. She's always blooming. Your Daddy's right. You should have your boyfriend na.
Ako: Eh pano naman ako magboboypren Ma, Pa? Eh wala namang nanliligaw sakin e.
Bea: Eh pano naman may manliligaw sayo? 18 ka na pero di ka pa rin ng-aayos. Gusto mo teh i make over kita?
Ako: Haynakuu. Wag nga ang buhay ko ang asikasuhin nyo. Geh Ma, Pa, pasok na po ko.


nakakainis sila. para bang ampangit pangit ko naman pag sila nagsasalita. hayyyy!

Andami ko kaibigan pero wala man lang ni isa na nakakausap at nakakasama ko tuwing recess/ vacant. kawawa naman ako :(

Ang lungkot ko. HAHAHA!

Dito lang ako ngayon sa under the mango tree. Nagkwekwento na naman sa journal ko. 


Hayyy.



Ivan: Mag-isa ka lang?
Ako: *buma-vice ganda* HINDI. HINDI. Tatlo kami.
Ivan: Marunong ka rin palang magbiro.
Ako: Biro ba yun?
Ivan: Haha. Cute ka pala.
Ako: ayynaku! kung andito ka para mang-asar din lang umalis ka na lang, kung aya mong masampal ulit.
Ivan: bat ba ang sungit mo miss?
AKo: ewan ko sayo. *sabay walk-out.*


one month na ang nakalipas simula ung kinausap ako ni Ivan.

Mabait naman daw sya. sabi nila. 

Okay! Aaminin ko gusto ko sya i-friend pero parang hindi ko kaya.

Gia's POV

Sa paglipas ng mga araw at habang tumatagal na nakikilala ko si Kumag,masasabi ko ngang mabait naman talaga sya. un nga lang mayabang talaga. CRUSH ko sya kaso nahihiya ako na magtapat dahil baka lalo akong iwasan non.Kaya eto.. Kuntento na ko sa pag-chichit-chat-chit-chat namin tuwing vacant.

Ivan: Ako lang ba kaibigan mo?
AKO: Ha? Ah.Eh. Hindi naman. ayaw lang siguro nila ko kasama.
Ivan: Bakit naman? Masaya ka naman kasama ahh. Kung di lang boring! HAHA. JOKE!
AKO:* sapak sa likod* Ungas ka talaga. Pero salamat ha? kahit papano nagkaroon ako ng kasa-kasama. :''>
Ivan: Sus!! Wala un no. anu ka ba? simpleng bagay lang nmn un e..
AKo: Hmmpp. Kahit pa. Thank you parin☺
Ivan: uhmmm. Gia..??
AKO: O?
Ivan: Pwede ba ko pumasyal sa bahay nyo?
AKO: *napaisip* Okay.
Ivan: Yes. Thanks Gi. 

--may mga magkaiba kaming subjects ni Ivan. Irregular kasi sya kasi galing sya sa ibang University eh medyo advance ung curriculum namin. Kaya nung araw na un, nauna syang natapos sa subject nya.

Mrs. Albaro: Class Dismiss.

--pagkalabas na pagkalabas ko palang sa room e andun na tong si Kumag. Sus! Napakaexcited feeling ko tuloy may boyfriend na ko. HAHAHA!

Ivan: So, san tayo sasakay? In your car or mine?
AKO: sa kotse mo na lang. ipapakuha ko na lang kay manong driver ung kotse ko mamaya.
Ivan: So? Lets Go!
AKO:

--pagdating sa bahay..

Ivan: Tara. 
Ako: Ba! Kung makapagyaya ka parang bahay mo ahh. Geh mauna ka na.
Ivan: Nge. Di pwede un dapat sabay tayo..
Ako: Sige na nga.


Nakita kami ni mama na pumasok. Abot tenga pa ngiti ni Mama. baka ang alam syota ko na 'tong si Kumag! HAHA. ako naman bilang inosente, sus. tuwang tuwa ako. para kasing boyfriend ko na tong si kumag e, Mabilis ang mga pangyayare. Naging close kami ni Kumag na di ko man lang inaasahan. Inlove ako kay Kumag. Pero iniingatan ko 'tong damdamin ko. Hirap na baka pag malamn nya, iwasan nya pa'ko. nawalan na 'ko ng lovelife, mawawalan pa ko ng kaibigan :/


MAMA:  Oh anak.. sino sya? ipakilala mo naman ako sa kanya.
Ivan: Hi Tita. Ako po si Ivan Perilllo. Bestfriend ni Gia.
AKO: at kelan pa kita naging bestfriend? >.<
Ivan: Ngaun. Wag ka na kumontra Gi. 
Mama: Sus, bago kayo magkainitan jan eh kumain muna kayo.. Likayo dito sa dining room magmeryenda muna kayo habang hinihintay natin sila bea. At iho....
Ivan: Po?
MAMA: Would you mind if dito ka na rin magdinner?
Ivan: No worries Tita. 
Mama: Oh sige. MAbuti yan :))



--habang kumakain kami ng ensaymada na binili pa ni Mama sa goldilucs. (sus!napakadetailed ko naman! HAHAHA!) sya namang pagpasok ni Bea, umiiyak.


MAMA: Oh anak.. why are you crying?
Bea" Justin and I broke up Ma. :'(
MAMA: what? kahapon lang magkasama ayo ahh.
Bea" yes mama. he broke up with me. He said he's inlove with anothr girl. 
MAMA: oh my, dont worry nak. you''ll find someone better. okay? stop crying na.
Bea: *sobs*
MAMA: saluhan mo muna sila Ate Gi mo dun.. Kain ka na muna. Okay.
Bea: yes mom. :(

--
AKo: Oh hi Bea. What happened?
Bea: Nothing happened ate.
AKO: but why are you crying?
Bea: Napuwing lang ako ate.
AKO: are you sure?
Bea: yes ate.
AKo: Uhmm. Ivan si Bea pala, younger sister ko. schoolmate din natin, BSHRM nga lang., Bea, meet Ivan.. My classmate.
Bea: Sure ka teh? Classmates lang kayo?
AKO: oo. bakit?
Bea: Wala naman teh. naninigurado lang. ^^
Ivan: Let's eat na :P

--after dinner.

Ivan: Ive got to go Tita. Thanks po for everything. 
MAMA: you are welcome Iho. balik a uli ha? anytime ^^
Ivan: wow. thanks tita.
MAMA: no problem Iho.
Ivan: Gi, una na ko. narinig mo yun ah? Pwede daw ako pumunta dito. anytime.
AKO: K.
Ivan: And Bea, nice meeting you.
Bea: ;) it's my pleasure to meet someone like you Ivan. ^^

Gia's POV

Ang saya ng araw na 'to. Feeling ko tuloy nagpapaalam na si Ivan para manligaw sa'kin HAHAHA!
Im so inlove with Kumag :''> Sana nga no? sana ligawan nya na ko..  HayyY! How i wish.

Naging madalas ang pagbisita ni Kumag sa bahay. Yun chika chika lang kami. Wantusawang chikahan. Nasanay na nga sila mama't papa na andun sya e. Alam mo ba lagi akong naghihintay na sa tuwing pupunta si Kumag sa bahay, he will ask me out na.. HAHA. Pero di naman nangyayari eh. Hayyy :'( hanggang M.U na lang ba kami??

--
Ivan: Hi Gi.
AKO: Oh hi. ANsaya mo ata.
Ivan: Syempre, dahil sayo. Salamat talaga Gi. *sabay-halik sa pisngi*
AKO: *nagblu-blush..* Ive gotta go. Bye.* sabay-takbo*

Hinsi ko alam kung bakitt ako tumakbo. First time kong mahalikan. OVER!! Ewan ko kung saan ako pupunta para itago ang kulay pula kong mukha that time.. HINALIKAN AKO NI kUMAG!!! Ow Em Ji. Ako na siguro ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Ibig ba sabihin nun,Gusto nya din ako? Awwww ♥

--
masayang masaya ako pag-uwi ko ng bahay. abot-langit ang ngiti ko. pinili kong maglakad ng araw na yun feeling ko kasi wala akong kapaguran kahit pa anong gawin ko. Ikaw ba naman ang halikan ng mahal na mahal mo diba? Hay.. Inlove nga naman oh.. Hindi nga ako napagod pero nagutom naman ako. Kaya pinili kong kumain muna sa MAx's unn kasi pinakamalapit na rsto na madadaanan e.. 

--
AKO: teka... si Kumag yun ahh. HAHA! AT ano namang ginagawa nyan dito? Ayoko muna magpakita sa kanya baka madulas pako't masabi kong mahal na mahal ko sya. Wehehe ~~~~~~~


*habang kinakain ko ang napakasarap na chicken ng Max's nakita ko ang aking kapatid. And look who's with her?

AKO: Huwattttttttttttt??!! Magasama sila ni Ivan? Are they dating each othr? Kaya ba nagthank you sa'kin kanina si Kumag? 

*bigla akong naumay sa chicen na kinakain ko, at yun, maluha-luha akong lumabas at pinagpatuloy ang aking paglalakad..*


--
dire-direcho ao sa kwarto non.. iyak ako ng iyak .. sakto wala si Mama at Papa. Pwede akong magsisigaw-sigaw. 

Pano ba naman kasi ako hindi iiyak? first love ko si Kumag tapos sa kapatid ko sya maiinlove? ang kapatid ko ang syo-syotain nya? ang kapatid ko ilalabas nya? bat sa dami ng tao, sa kapatid ko pa?? *ang saklpa* Birthday ko panaman din sa susunod na linggo.. tas ganito ang reglong matatanggap ko. pati si Mama at Papa, wala rin dito. Lord? pinaparusahan nyo po ba ako? Ano po ba nagawa kong mali? 

--
magdamag akong umiyak ng umiyak ng umiyak. ininom ko na rin sa alak para naman mabawasan ang kirot na nararamdama ko. Hindi ko pa rin tanggap na my sister and kumag are dating na. It hurts. yeah really. It hurts a lot :'(


-- 
tinanghali na ko ng gising.. kaya naman i decided wag na lang ako pumasok.. okay lang ngayon lang naman aabsent e.. for once, gusto ko libangin sarili ko.. kaya eto, myself deserves a treat..

--
nagpasya akong magpagupit muna. i-ma-make-over ko sarili ko, para makita nila kung san sila nagamali.. hinayaan nilang mwala pa ko sa kanila. AMP >.<

--
pinakulayan ko ang hair ko ng bugundy, at nagpafoot spa at body massage na rin ako..
nagpapedicure at manicure na rin. para minsanan na. pagatapos non, nkita ko sa sarili ko sa salamin: " Huwaw! Ako ba to? My gas. ang ganda ko.
--

Kaya yun. tinuloy ko na ang pagrampa. Nagshopping na rin ako ng mga damit,, sandalas, perfume, at kung anu-ano pang accesories.. 

--

Tinext ko ang Adviser ko na hindi ako papasok ng 1 week. buti nalang mabait si Mrs. Bantil. Kaya naman eto, papunta na ko ngayon sa Cebu. Bibisita ako kila Lolo't lola. miss ko na rin ksi sika ee..

--

Nagulat ata sila lolo sa pagdating ko. HAHAHA!

Lolo: Oh Mi.. May maganda kang bisita. ANo pong kailangan ninyo?
Lola: Aba. Di ko to makilala. sino ka ba neng?
AKO: HAHA! Lolo, Lola, ako to.. si Gia.
Lola't lolo: ANo? Ikaw na si Gia? Aba. Wag ka ngang mangtrip bata ka..
AKO: Lo, La, Ako nga ito.. Promise..
Lolo: Sige nga. pakita mo ung balat mo sa'kin sa chan.
AKO: *pinakita ang balat ko.*
Lolo: Naku. ikaw nga. naku. napakaganda mo ng bta iha. 
Lola: Ikaw ba'y may asawa na?
AKo: HAHA! Lolo, Lola, pinapatawa nyo naman ako ee. wla pa nga po kong syota, asaw na agad.. wala pa po. nu ba kayo?
Lola: sa ganda mong yan, walang nanligaw sayo? naku! ambobobo naman ng mga lalaking yan.. kung ang lolo mo eh kaedad mo lang, malamang pakakasalan ka na nya.. malas nya ako napangasawa nya. haha.
Lolo: Sinabi mo pa Ne. Pero hinding hindi naman ako magiging malas sayo no. ako ang pinakasweteng lalaki nung sinagot mo ako ng OO.
AKo: HAHA. nakakatuwa naman kayo lo.la.. ang sweet sweet nyo pa rin hanggang ngayon.. wala pa ring kakupas-kupas..


--

mahaba habang oras pa kaming nagkwentuhan... nakausap nila ako tungkol sa estado ng buhay pag-ibig ko ngayon.. at yun nasabi ko na kung ano ung itinatago tago ko..

--
Lola: Apo.. Mahirap kung tinatakasan mo ang problema.. mabuti pa'y harapin mo yan.. at kung ano man ang maging resulta, harapin mo.. hindi katapusan ng mundo ang pagkawala ng llaking yun.. at kung sa kapatid mo naman sya napunta, maging masaya ka, tanggapin mo. dahil sila ang nagmahal.. sila ang  nagkagustuhan... tanggapin mo ng buong puso iha... dahil habang hindi mo yun natanggap, ikaw rin ang mahihirapan..
Lolo: Tama ang itong lola, apo..
AKO: Sige po la.. Bukas makalawa, luluwas na ko ng maynila.. Magpapalamig lang po ako at syempre gusto ko pa po kayo makasama ng matagl tagal pa.. Iloveyoupo.. 

--

ngayon na ang luwas ko sa maynila.. at ngayon na rin ang birthday ko.. hindi ko alam kung anong naghihintay sakin pagdating ko dun pero inihahanda ko na ang sarili ko sa anumang mangyayari.. hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko pagdating ko sa bahay at makita ko si Kumag at Bea na  magkatabi sa sala. ewan ko. Nega na kung nega pero di pa siguro talaga ako handa.

--

Sus! Lecheng trapik to. umuulan pa.. Gagabihin na kong umuwi neto. langya this. Cinelebrate ko ang 19th birthday ko sa langyang Partas na 'to.. #i hate it..


--

Alas syete na ng makarating ao sa bahay. walang ilaw. ewan ko kung nasan sila mama't papa. at malamang nagdedate si bae at Ivan. hayyy..

--
pagabukas ko ng pinto....


LAHAT: HAPPY BIRTHDAY ^^

MAMA: Naki anak.. San ka ba galing ha?
PAPA: alalang-alala kami sayo. Ni hindi ka manlang nagpaalam o nagtext manlang,
Bea: I missed you ate. happy birthday :)

AKO: Thank you. Ma, pa, pumunta lang po ako kila lolo't lola sa Cebu. Nagpalamig ng ulo.. Sorry kung di ako nagpaalam.. Naguguluhan lang talaga ako kaya hindi ko na naisip na  magpaalam pa..

PAPA: ano bang nangyari sayo?
AKO: wla un pa. kalimutan mo na lang ang nangyari.
MAMA: Anak.. sabihin mo na..
AKO: masakit lang po sa akin na... si Ivan at Bea ay ang magsyota.
BEA: LUL! WHAT????????????????????????? What do you mean ate?
AKO: nakita ko kayo na nagdate sa Max's nung araw na nawala ako.. 
BEA: hey ate.. you got it wrong.. actually, nagppatulong lang sakin si Ivan na magpalakad sayo.. sorry ate kung un ang pagkakaintindi mo.. pero since the day that you went away, nagbreak down si Ivan.. Hindi na sya pumasok.. at snisi nya sarili nya dahil lumayo ka.. Dahil baka daw natakot ka dahil hinalikan ka nya nung araw ding yun.. 
AKO: What? Ehhh aan si Ivan?

--
konting katahimikan..

--
IVAN: come here..
AKO: I am here.
IVAN: Here.

--

pumailanglang ang antang ♪ kailan kailan, kailan papansinin ang aking psuong bitin na bitin ♪ (lul.. watebo.) i really dont know the song. yan lang talaga naisip ko na kanta haha..

IVAN: Gusto ko lang malaman mo na, minahal na kita nung una palng kitang nameet..kahit suplada ka pa noon.. kahit nerd ka pa nun.. kaya lang natakot ako na baka hindi mo ko gusto.. natatakot ako na baka hindi ka pa handa sa isang relasyon.. Pero Gi, maniwala ka man o hindi. i tried every possible way para mapansin mo'ko..inasar kita na parang wala ng bukas.. nakipagclose ako sa kapatid mo para matulungan nya kong ligawan ka.. at sa katunayan Gi, ako ang nagorganize ng surprise na to.. ganun kita kamahl. kahit hindi ko alam na totoong babalik ka ngayong araw na to, umasa ako na darating ka.. 

AKO: Ohhhhhhhh. :''> Iloveyou Kumag.

IVAN: Kumag? 

AKO: Heh! Basta.. Iloveyou.

IVAN: Iloveyoumost Gia.

--
MAMA, PAPA, BEA-- Asus! Kasalan na yan!

*lumuhod si Ivan sa harap ko. sabay-abot ng maliit na kahon .

IVAN: ALam ko, hindi pa tayo naging pero ayoko na to patagalin pa.. dahil sa huli, alam ko na Ikaw ang una at huling iibigin ko :''> So Gia, will you marry me?

AKO: * tingin kay Mama, Papa, at Bea na nakatango na agad*

YES IVAN.

IVAN: Oh my god.. This is the happiest moment in my life.

AKO: And this is my happiest birthday :''>


Epilogue--

Matapos ang 4 na buwan na pagplaplano sa kasal namin ni Kumag, yun natuloy na rin ang I Do FATHER portion namin.. At naghoneymoon kami sa Paris, France.. Bunga ng pagmamahalan namin eh heto, may baby na kong dinadala.. 7 buwan na kong buntis, 2 more months at isisilang ko na ang aming baby..  Ang sarap pala umibig no? Lalo pa't first and last namin ang isa't isa.. 


Hayyyyyyyyyyyyy!


Ang saya. Hindi man perpeto ang aming pagsasama, masaya naman kami sa piling ng isa't isa.. 



-- The End.



*minadali ko lang tapusin 'to haha. nakakatamad kasi. at habang sinusulat ko 'to, ginugulo ako ni KRAS.. hayyy .. ♪ pangarap lang kita ♪








--shaichiakinto.blogspot.com